“Mga abogada kayo? Di nga?” ‘Yan ang madalas na reaksyon tuwing nalalaman ng reader ng The Soshal Network kung ano ang ikinabubuhay naming tatlo. Ang susunod na reaksyon kadalasan, “Mga abogada pala kayo eh. Edi mayayaman kayo! Di niyo kailangan mag-soshal climbing.” Sino’ng may sabi na mayayaman kami? At sino’ng may sabi na ang kulang sa yaman lang ang puwedeng mag-soshal climb?
Take note, it’s “soshal climbing” not “social climbing”. Ang social climbing kasi nakakapagod, magastos at higit sa lahat, nakakayamot. Isipin mo na lang, sinangla mo yung necklace na pinamana pa sa’yo ng nanay mo para lang makabili ng Louis Vuitton. Tapos buong pagmamalaki mong bibitbitin sa Powerplant Mall maghapon. Pero kahit namamaltos na ang paa suot ang Tory Burch flats na 2 out of 6 gives pa lang ang nahuhulugan mo, di ka makaupo man lang sa restaurant para mag-merienda. Kasi ang laman ng pinagmamalaki mong Louis Vuitton, dalawang bente at mamisong barya. So sino nahirapan? Ikaw din diba?!
Whereas kung soshal climbing ang pinili mo, hindi mo na kailangan gumastos nang malaki, katutuwaan ka pa ng mga tao dahil sa performance level ang abilidad mo! ‘Yan ang ituturo namin sa inyo.
‘Wag kang kabahan, kaya mo ‘to. Promise. Whether you are a “have” or a “have not”, achieve na achieve mo maging soshal. Ang kailangan mo lang ay creativity, konting kapal ng mukha, sandamakmak na sense of humor at aming libro, ETIQUETTE FOR SOSHAL CLIMBERS.
Hindi mo kailangan ikahiya ang tunay mong estado sa buhay dahil ang being soshal is just being comfortable in your own skin knowing that people who matter to you will like you for who you are and not for what you have. It means you find a way to enjoy what life has to offer with whatever the universe has given you.
Social climbing is so last season. Soshal climbing is now the lifestyle of choice.
Grab a copy Etiquette for Soshal Climbers! Available na sa National Book Store, Glorietta 1 and online: http://bit.ly/2gehuG0 at soon sa inyong favorite book stores 🙂
Kung hindi pa rin kayo convinced… may message sa inyo ang aming mga BFFs 😆
AVAILABLE BA TO SA NBS DITO SA LEYTE?
Hala layshooooo!!! May libro nga talagaaaa!!!! I miss you na my girlssss!!! (feeling close) .. Pasyal nman kayo dito minsan sa manshon ko
Bibili na ako nyan mamaya! 😀