• Home
  • Meet the TSN Girls
  • Domesticated
  • Provinciated
  • Sophisticated
  • Celebrity Pin-up
    • Facebook
    • RSS
    • Twitter

The Soshal Network

  • The Soshal Planet
  • Giveaways
  • Entertainment
  • Food and Places
  • Parenting and Marriage
  • Fashion and Beauty

Rolex

February 22, 2017 by Provinciated 1 Comment

       May nagregalo ng Rolex kay Father Thunder noon. Maganda daw yun kasi “automatic” na klase. Pero nagtataka ako bakit “automatic” ang tawag pero tuwing umaga, kinakalog ng tatay ko yung relo habang nagkakape sa terrace namin. Sa loob loob ko, kung automatic na yan, paano pa ang manual?!
Pero dahil matagal na ‘yun, malaon ay nasira ang Rolex. Kaya naman inutusan ako ni Father Thunder dalhin ito sa service center malapit sa opisina ko sa Makati.

Father: Ayan ang kahon, Camille. Ingatan mo at nag-iisa yan!

       Di ko inalis ang kahon sa bag at paningin ko. Mahirap na. Wala akong pambili nun. Nagpasama pa nga ako sa kwela kong officemate na si Shalma para secure.

     Pagdating sa service center, nagulat kami. Naka-all black na amerikana ang mga security at receptionist. Lahat malalaking lalaki. Binigyan kami ng number at naupo kami sa mala-lobby ng 5 star hotel. Nakita namin na ang mga watch specialists nila ay naka-gwantes pa. Grabeng soshal.

(www.weareable.uk.com)

        Kaso lang, ginahol kami sa oras dahil may lunch meeting kami. Kaya naisipan namin umalis muna at bumalik na lang sa hapon. After lunch, nagpabili si Atekupungsingsing ng pasalubong. Burger daw. Syempre, di ako nakatanggi at dumaan kami sa Wendy’s para bumili ng Bacon Mushroom Melt Meal.

(Wendy’s Honduras)

     Pagbalik namin sa Rolex Service Center, hala, ang dami nang tao! Pero ang tahimik nila. Lahat mukha at amoy mayaman! Nagulat ako. Dahan-dahan kong nilapag ang plastic ng Wendy’s sa sahig, sabay upo sa pinakamalapit na upuan. Shet, amoy na amoy pa yung fries.

    Di naman na-bother sa amoy yung poging binata na nakatapat namin ni Shalma. Mukha rin soshal si koya.

Shalma: Ano ba sira nyan?
Camille: Sabi ng daddy, bumibilis daw ang oras. Tapos biglang huminto.
Shalma: Ano ba ‘yan! Parang imbento lang ah! Time space warp?!
Camille: Hahahaha! Masaya nyan pag wala pala dito sa kahon yung relo! Imbentong imbento talaga!
Shalma: Check mo kaya!

     Napatingin na sa ‘min si pogi. Di ata siya sanay sa maingay. Maingat kong nilabas yung kahon sa bag, tinanggal ang takip, pati yung mga certificate at cards na nakapatong…SAKTO! WALA NGA YUNG RELO!!!

(www.seton.wa.edu.au)

Camille: Shal, tignan mo! Wala yung relo!!! (Sabay binukadkad ko kay Shalma lahat ng laman ng kahon…pwera ang relo!!!)
Shalma: Isara mo nga yan. Alis na tayo.
Camille: Teka! Tatawagan ko tatay ko!

     Sa puntong ito, very involved na si pogi sa nangyayari samin. Kita ko na ang concern niya sa nawawalang Rolex! Sumagot naman si Father Thunder sa telepono…

Camille: Daddy! Wala ang relo!!!
Father: ANO’NG WALA?! SAAN MO NILAGAY?!
Camille: Aba, malay ko! Ikaw nag-abot sakin ng kahon eh! Wala palang laman!
Father: [email protected]#[email protected]%#@ INA!!! Hahanapin ko!

        Sabay binabaan ako ng telepono.

Shalma: Ano pa ginagawa natin dito? Sabi na nag-iimbento ka lang talaga eh!
Camille: Tanga ka! Nawawala na nga eh! Buti di pa tinatawag number natin. Baka akala nung nagch-check, nag-iimagine akong may relo sa kahon. Tapos makiki-ride siya na may sinusuri siyang imaginary relo. Pero kinikindatan na niya yung guard para palabasin tayo.
Shalma: Thank you, Lord. Alis na tayo!

      Unti-unti kong dinampot ang plastic ng Wendy’s sa tabi ko. Pinilit kong di tignan yung poging katapat namin kung ano na status niya – natatawa ba o nandidiri na samin.

         Paglabas namin, sinalubong kami ng guard na naka-amerikana.

Guard: Ma’am, alis na po kayo?
Camille: Oo, ang dami kasing tao eh. Next time na lang siguro kasi we’re very busy people. ☺

        Charotera! Sa isip siguro ni guard, “Very busy eh nakabili ka pa nga ng Wendy’s. Ikaw lang gumawa nyan dito!” Paglabas namin, at habang nagkakanda-ihi sa tawa, tumawag si Father Thunder.

Father: Anak, nahanap ko na! Andito pala sa drawer. Hehe.
Camille: Buti na lang, dad! Minura mo pa ko kanina ha!

      Ang natutunan namin…
1. Bago pumuntang service center, siguraduhing may ipapa-service ka.
2. Pag nagpapanic, wag masyado pahalata.
3. As much as possible, pag pupunta sa soshal na lugar, wag na magdala ng supot ng Wendy’s. Masyado kayo mapapansin.

Related Posts

  • The (Rock) ClimbThe (Rock) Climb
  • SunogSunog
  • The Saga | La Greta vs. La ProvinciatedThe Saga | La Greta vs. La Provinciated
  • Dramarama ni PDramarama ni P
  • PIRA-PIRASONG PANGARAP
  • Sossy ProblemsSossy Problems
If you like this post, please click any of the buttons below 🙂
  • Add to favorites
  • Tweet

Filed Under: Provinciated, TSN Tagged With: kahihiyan, provinciated, Rolex, service center, Shalma, soshal, Wendy's

Comments

  1. Soshal Claymer says

    April 9, 2017 at 4:08 pm

    Buti na lang mag-isa lang ako habang binabasa ito. tumatawa ako mag-isa!

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.



TSN Channel

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

RECENT POSTS

  • Rookie Lawyers Who Will Restrain Your Order
  • Eksenang Hot Yoga
  • Level Up Your Soshal Climbing Game
  • You are Turning Tita when…
  • Soshal Climber’s Guide to Travelling
  • How to be Soshal Kahit Nagbabaon Ka Sa Office
  • How to Achieve #SummerGoals
  • ‘Yung First Time Mo Makakita ng Snow
  • Home Alone
  • Dress for Less

Tags

Addie baby Baby A beauty birthday Celebrity Pin-up Christmas Claudine Barretto conversations event events family fashion feature food giveaway instagram kids kuwento love Makati memories motherhood news OOTD OOTS Papa O parenting party picture feature places restaurant selfie showbiz soshal climber Soshal Solution tips travel TSN twitter update video WATPION wedding YouTube

Follow Us on BlogLovin’

Follow on Bloglovin

web counter
web counter

Copyright © The Soshal Network2018 · Blog Design by Fancy Girl Designs · Built on the Genesis Framework