Nung pasko, may nagregalo sakin ng biskwit na may milk and cheese filling. Bawat pack, isa lang ang biskwit na laman. Tuwang tuwa ako kasi sobrang sarap. Di ko sya makalimutan.
Nung isang araw nakakita ako sa mall ng store ng biskwit na yun… Tokyo Milk Cheese Factory.
May free sample sa labas kaya sigurado na ako na parehong biskwit ang tinitinda.
Ang ganda ng store. Maaliwalas. May 3 na nakapila at nakipila na rin ako dala ang free sample na ipapakita sa counter.
Me: Miss, lima ngang ganito.
Cashier: Ay wala pong per piece, we have 1 box for P620.
Me: Ha, magkano?
Cashier: 620
Me: Ilan ang laman?
Cashier: 10 po sabay turo sa sign ng presyo.
(Ang pagkakamali ko… di ko tiningnan ang presyo. Malay ko bang may biskwit na mas mahal pa sa suot ko!)
May sumunod na sakin sa pila. At dahil nakakahiyang magbackout at baka majudge ako ng tao sa likod… binili ko ang 1 box. Di ako makapaniwalang bumili ako ng biskwit na worth P620. Napasubo ako dun… at ang masaklap isang subo ko lang ang isang P62 worth na biskwit. (Bakit ba kasi ang laki ng bunganga ko?)
Lesson learned: wag magmayaman kung ang wallet ay mawawalan ng laman ๐ย
Kung Rebisco na lang sana binili ko, kondensada rin naman ang laman, isang barangay na napakain ko.
P.S. Hanggang ngayon, nasa lalamunan ko pa rin ang biskwit. Ang hirap lunukin. Sana pride ko nalang nilunok ko, nabusog pa akoย ๐ย
Jusko, mas mahal pa sa Gigi Gaerlan!
Naalala ko tuloy yung friend kong panay ako dinalhan nyan. Nung malamann ko ang price..
Masarap talaga pag libre. ^_^
Sana may magregalo nyan sa akin. Kasi baka hindi bumaba sa lallamunan ko yan kung ako ang bibili at kakain nyan. Lols!!
Alam ko tong store nato! Suki ako nung free taste nila. Masarap biskwit nila, pramis. Pero hanggang free taste lang ako. Ngayon wala na silang free taste. Wala na din along nakikitang tao masyado sa may store nila. Iwas na din ako dumaan sa harap ng store nila. Feeling ko natandaan ako ni ate.
HAHAHA ๐
Wala akong mayaman na friend, walang ngregalo ng ganyan sakin nung Pasko.
Ang poor ko din, ngayon ko lang nalaman ang pangalan at presyo ng biskwit na yan hahaha
Bwahahahahaha….! (hagalpak!)
Akong ako last weekend. Nang bumili ako ng pre-boxed na cinnabon. Hindi muna kasi ako nagisip! Tapos na-swipe na agad ni bading yung card ko… huhu.
Waah buti kahapon di muna ako pumila at nagtanong muna ko kung magkano, hang mahalia nga pero meserep kese. Ayun di ko pa rin binili! hahaha
Hahaha! So funny but very true! ๐
Ay natikman ko din yan dahil lang yayamanin ang boss ko. Nag-uwi from Japan, pati yung isang product nila saying “it’s not a custard” but when I tasted it, it was definitely a custard!
Ay hindi ko alam na ganyan sya kamahal! Buti na lang ma pride ka
ps may nagregalo lang din nung pasko
pspamore ang yaman ng mga friends natin
This is so true ๐