1. Pag pinakilala ka sa mga amiga nya, sasabihin ang degree at civil status mo.
.
.
2. Sasabihan kang tumataba ka pero magagalit pag di mo kinain ang luto nya.
.
3. Magpapaturo mag Facebook… tapos magco-comment sa lahat ng post mo…
–
Gagawin pang chat ang Facebook wall mo.
–
.
4. Galit na galit siya sa chismosa niyong kapitbahay… na kabit lang naman ng barangay kagawad at iniwan ng dating asawa kasi mabaho daw ang hininga at nalulong sa tong its.
.
5. Nung bata ka, ikaw ang pinakamaganda sa bayan. Isasali ka nya sa Little Miss Philippines.
.
6. Never mo daw ma-achieve ang waistline nya noong araw.
.
7. Natuto ka ng “Shake, Body Dancer” nung 3 years old, magiging artista ka daw.
Nagpabili ka ng laruang stethoscope sa SM nung 4 years old ka, magiging doctor ka na paglaki.
Hinawakan mo yung rosaryo sa altar nung 5 years old ka, tuwang tuwa na siya at magkaka-pari na sa pamilya.
.
8. Lahat ng gamit mo sa school pati panty mo binuburdahan ng pangalan.
.
9. Nung naglulupasay ka sa SM, tinawag nya ang guard.
.
10. Pag nanghingi ka ng dagdag na allowance, kukuwento nya muna na P0.25 centavos lang may pansit at pang-sine na sila ng tatay mo, nanghihiram lang sila ng libro sa library, na wala pang computers o cellphones noon at nagsusulatan lang sila at para makaahon sa hirap kailangan nila magaral ng mabuti.
.
11. Aawatin ka niya maglikot kasi baka masaktan ka. Pero pag di ka tumigil, siya na mananakit sayo.
.
12. Ang galing niya magpanggap na nakangiti sa harap ng bisita habang kinukurot ka sa ilalim ng lamesa.
.
13. “Umayos ka. Matagal ka nang di nakakatikim sakin!”
.
14. Nung bata ka, lahat ng mascot na madaanan dapat may picture ka.
.
15. Kumita ang mga tindahan ng borloloy dahil sa kanila.
–
Iba-iba man ang parenting strategy ng mga nanay. Pero sa huli’t huli, malasakit, pag-aaruga at pagmamahal pa rin naman ang nananaig. Kaya sa lahat ng mga nanay na pinasakit ang ulo ng makukulit na anak… sa lahat ng mudrakels na pilit hinahati ang katawan para lahat ay maasikaso… sa lahat ng ina na handang magsakripisyo para sa pamilya…
MABUHAY KAYO!!!
Sobrang kamukha ni Ms. S ang mom nya!
Ang concluding paragraph… parang Sushmita Sen lang… loving, caring, and sharing
…malasakit, pag-aaruga, pagmamahal… 🙂
Nakurot na ako ng maraming beses… ang threat ng mama ko noon, ‘susungangain kita”
This is so true….Yung diba naranasan ko din sa nanay lalo na yung naka smile pero kinukurot ka na Yung diba naman Gawain ko na! Hahaha masarap magkananay na pinay at masarap din imaging nanay!!!
HAPPY MOTHERS DAY TO ALL!!!