Ang dami naming #SoshalPegs lalo na sa mga celebrities. Sina La Greta, BFF Heart, Solenn at syempre, our stylist friend, Liz Uy. At manghang mangha kami sa IG travel posts nila. Hindi lang dahil afford na afford nilang gawing mala-Quiapo ang Paris kundi dahil they always always travel in style. Sila nang ang maleta ay mas mahal pa sa roundtrip ticket!!! Haaaay, kung afford din lang sana namin ang ganung lifestyle…
TEKA! Bakit nga ba hindi eh nandyan naman ang Philippine Airlines?! Here are some tips para ma-achieve ang alta sociedad feels while traveling with PAL.
1. Sa eroplano pa lang, pwedeng pwede ka nang um-aura. With PAL’s inflight meals, (TAKE NOTE: Hindi cup noodles ha!) kahit economy ang ticket mo, feeling First Class ka pa rin sa shalang pastries and meals.
–
Of course, ibang usapan pagdating sa’yong destination. Kailangan na ng abilidad nyan. Tanungin ang locals kung saan mura at masarap kumain. O para talaga makatipid, ilabas mo na yung baon mong cup noodles to save the day.
–
2. Staple sa travel photos ang #feetfie. Aba, with PAL’s roomier seats at an affordable price, sa eroplano pa lang, pwede ka na mag-unli photo-ops. Siguraduhing slightly kita ang hand carry at ang PAL ticket for more effect. Pinag-ipunan mo ang bakasyon mo, pwes i-Instagram na nang todo!!!
Tandaan, di lang feetfie ang pwede gawin. Pati ibang parte ng katawan pwede i-feature sa photos. Tulad na lang ng LEEG — #Neckfie
Bigger legroom, sagot ng PAL yan. “Branded” neck pillow, kayang kaya mo na yan! Look at our DIY peg for inspiration! KABOG!
–
3. Guided tours can sometimes be costly. Rent a bike or a trike at sundan na lang ang tour bus. Pasimpleng makinig sa guide habang nagpapanggap na nagpipicture o nagtetext. Malay ba nila. Eh sa nagkakakataong pareho kayo parati ng pinupuntahan eh.
Pag mahal ang entrance fee sa tourist sites…mag-abang na lang sa exit at magpakwento! 🙂
Pero kung entertainment din lang naman ang hanap niyo, did you know that PAL offers in-flight entertainment with lots of movies and music to choose from? At latest blockbusters yan ha. Lala Land and Moana levelz! Sure na relaxed na relaxed ka sa biyahe mo, updated ka pa sa mga latest Hollywood offerings. 🙂
–
4. What to bring. Yourself. Nothing beats good company when travelling. Make sure to bring a rich friend. Bola-bolahin mo na lang. Ililibre ka nyan! 😛
Kung kapwa poorita kayo ng friend mo, papel at marker lang, pwede na kayo mag-Pinoy Henyo. Aliwin ang sarili! Who knows, baka may mainggit at makisali pa sa inyo. Instant new friend!
Pero kung may konting budget ka, don’t forget to bring your props for your Instagram photos. Mas madami, mas masaya. Wag mag-alala sa baggage cost dahil PAL offers check-in luggage without having to pay extra.
–
5. Lastly, sulitin ang bakasyon. You deserve it! Ikaw na nagpapakapagod sa opisina. Ikaw na naiipit sa traffic at usok araw-araw. Ikaw na todo kayod para sa pamilya. It’s high time you pamper yourself. And with PAL’s heartfelt service, sila naman ang mag-aalaga sa’yo. 😉
Book now with PAL and get that much-needed vacation this summer at an affordable price. Check it to believe it! www.philippineairlines.com!
Nice tips! It is just awesome. I will add in my list & i am also suggest to my friends to read your post.
Hi
🙂