Noong 2008, bago kami ikasal ni Papa O, bumili siya ng pabango. Bvlgari… sosyalin. Sobrang bango niya. Sa sobrang bango… favorite na favorite ni Papa O ang pabangong ‘to. In fact, kasama siya sa mga groom’s things niya sa wedding album namin.
–
Favorite, hindi sa sense na araw araw niyang gamit… kung hindi, minsan lang niya gamitin kasi sayang daw. Mga 2012, napansin ko na hindi pa nangangalahati ang pabango. Sinulat ko pa yun sa una kong blog post tungkol kay Papa O dahil manghang-mangha ako sa fact na kaya niya tipirin ang isang bote ng pabango for many years.
–
Ang prediksyon ko nung 2012… nagkatotoo. 2017 na ngayon… meron na kaming anak na lalake. At ang pabango… BUHAY PA RIN!
–
Kaya Aki, ito na ang unang gamit na mamamana mo kay Daddy. At kung lalaki kang tulad ng tatay mo, baka ito na rin ang ating maging family heirloom na maaring ipamana sa mga susunod na salinlahi. 😛
At sa ‘yo Papa O, kahit na sobrang tipid mo… sa pabango, ikaw pa rin ang love ko. (Pak!) Di man sigurado na tatanda tayong mayaman… sure naman na tatanda tayong mabango 😆
Salamat sa suporta at sa pagmamahal.
HAPPY BIRTHDAY!!! Labyu 🙂
Hahahaha! Grabe, wittiest Birthday greeting ever! Pak na pak Ms D 🙂 😀
Hahaha, salamat Mui!