May mga araw na sinusuwerte ka. Yung tipong lahat ng stoplight na madadaanan mo, green. O yung magbabayad ka ng kape tapos biglang may libreng pastry. O nakapagbalik-taya ka sa lotto. Pero may mga araw din na tila kinekyeme ka ng malas.
Biyernes noong nakaraang linggo, maaga ako nakaalis ng opisina dala ang bagong sasakyan ni Father Thunder. Binilin niyang load-an ko raw ang EasyDrive sa gilid ng Coastal Road. Habang nakapila at nakikinig sa “Mahal Ko o Mahal Ako”, BOG!!! May kalabog akong nakaramdaman. Anak ng teteng…binangga ako ng sasakyan sa likod!
Ang sakit sa dibdib ‘teh. Wala pang dalawang buwan ang koche. Agad akong bumaba. May edad na lalaki ang sumalubong sakin nagso-sorry kaso…NAKATAWA!!!
Driver 1: Pasensya ka na, ma’am. Hehehe.
P: Bakit kayo tumatawa?!?! WALANG NAKAKATAWA!!!
Bigla kong naalala na matanda nga pala ang kausap ko kaya kumalma naman ako agad at nakipag-usap nang maayos. Kinalabit daw kasi siya ng apo niya sa likod. Paglingon niya, nabitawan niya ang preno. Ayun! Sa loob-loob ko, ok lang. Maliit lang naman ang damage. At least ganun lang ang bendisyon sa bagong sasakyan ng tatay ko. At may isa pa naman kaming koche.
Biyernes nangyari yan ha. Pagdating ng Lunes, papunta sa family gathering with balikbayan, nagpamanaeho kami ni Atekupungsingsing kay Roel. Nakahinto rin kami sa stoplight sa Coastal Road paliko ng Macapagal Avenue nang makarinig kami ng malakas at mahabang tunog ng umiingit na gulong.
P: Hala! Ano kaya yun?!
BOOOOOOOOOOOOOOG!!! JuiceKongPineapple! Ang humaharurot na Innova, sinalpak kami sa likod. Kaya nabangga din namin ang Innova sa harap. SANDWICH ITEY!!!
Ang una kong chineck, kung ok si Ate. Tapos pinilit namin makalabas ng koche dahil di mabuksan ang mga pinto. Pagbaba namin, GUSTO KO KUTUSAN YUNG DRIVER NA BUMANGGA! Chill na chill ang walang hiya. Medyo tatawa tawa rin kahit nagsosorry. Um-overtake daw kasi siya. Pero mapapatawad ko pa yun eh. Ang hindi ko mapatawad, yung pag-i-ENGLISH NIYA!!!
Driver2: (Habang kausap ang insurance agent) Wait lang please. I will get the name of the other… (as in ako ang tinutukoy niya). Hang out lang, sir.
HANG OUT?!?! Baka HANG ON! Pag-hang out-in kita dyan sa Manila Bay eh!
Driver2: (Kausap pa rin ang ahente) What time ba dadating yung towing? Pakibilisan naman please. This is an urgent participation.
ANO’NG PINAGSASASABI MO KOYA?!?! Say no to drugs!
Ang dugo ko umakyat lahat sa ulo ko. Pero nagpapasalamat pa rin akong walang nasaktan samin. Ang kinakatakot ko ngayon, diba ang malas daw comes in threes? Kahapon, sa Coastal Road din, may pumasok na lamok sa tenga ko. Sana counted na ‘yun na pangatlo. Lord, maawa kayo.
hahaha, at least english-speaking daw si koya! 😀
bakit ganun nandun na yung sympathy ko sa nangyari pero nung nabasa ko yung sa lamok, hindi ko napigilan tumawa… sorry po, I can feel you pero natawa ren po talaga ako… sorry po.
Sensya na P. Kahit Hindi maganda ang nangyari sa inyo, medyo natawa ako ng slight dun sa bandang dulo. Dapat kinutusan mo na para natauhan. Baka naman nagandahan sa’yo at nagpapa-kyut lang. gudlak sa pagpapa-gawa ng koche. Ingat!