Pasukan na mga mars. Bayaran na ng tuition. Bibili ng uniform, sapatos, libro at iba pang gamit sa eskuwela. Sabay sabay ang gastos! Sa panahong tayo ay nagigipit, kailangan maging creative! Ito ang ilang back-to-school hacks na pasok sa ating budget.
Pencil Case? Bakit pa kung may ALL-IN-ONE PENCIL ka na! May lapis, ballpen, sharpener, eraser at refillable paper clips. Depende sa laki ng kamay mo, pwede mo pa kabitan ng stapler, puncher o pocket wifi.
It’s all in your hands…literal! Wag kalimutan lagyan ng pangalan at baka mawala… mahirap na.
.
Kailangan din sa school ang ruler. Teach your kids applied math by letting them use this BESPOKE TANGUILE RULER.
It comes in a variety of sizes – dos por dos, uno medya por dos at kwatro por kwatro. Ruler na, may pang-self defense pa!
.
Wag na rin bumili ng FASTENER and reuse your old and ever reliable sipit.
Very versatile pa dahil pwede ipang-ipit pag natastas ang uniform, pag bumuka ang suelas o maluwag ang medyas.
.
Ngayong bawal magkasakit, bawal din matuyuan ng pawis ang mga bagets. Kaya make sure na may baon silang bimpo. At para hindi nila makalimutan (at makatipid ka), why not let them wear this GMT ANKLE SOCKS.
Mejas na… bimpo pa!
.
At dahil hindi puwedeng madehydrate ang mga bata, huwag kalimutan bigyan sila ng water jug. Kung di afford ang Coleman, don’t worry, eto naman ang COKEMAN!
Comes in sakto, 8oz, 500ml, 1L and Family size. Kids will surely TASTE THE FEELING…este TASTE THE WATER pala.
.
Para naman sa kanilang baon, here’s our 3-TIER STACKABLE LUNCH BOXES. With its classic design, maeenganyo ang mga kids kumain…lalo na at akala nila baon nila ay ice cream.
Ito ang tunay na 3 in 1 Plus 1 – kanin, ulam, sabaw plus sawsawan. ;P
.
Sa Home Economics, matututo ang mga bata magtahi at kailangan nila ng SEWING KIT. Wag nang bumili ng sewing kit and just reuse your egg cartons. Daming compartments niyan – 12 to be exact!
Samahan mo na ng itlog kasi nakakagutom magtahi.
.
Ang usually pinakamahal na gamit na kailangan bilhin ay ang school bag. Don’t worry, thanks to Balenciaga, in na in ang anak mo with this BAYONGCIAGA BACKPACK!
Take note waterproof yan.
.
Pero kung masyadong madaming books si bagets, bigyan sya nitong SUPER LIGHT WEIGHT BOXONITE STROLLER.
Caveat: Umiwas sa lubak at baka matipak.
.
It comes with a FREE NOTEBOOK, the pages of which were carefully and meticulously selected from the finest dyaryo of the Philippines.
.
Ayan, kumpleto na! Ready na for school si bagets at ligtas na naman ang iyong pockets! 😉
Ang cute nung estudyante!
Very helpful saving tips…hahaha
Hahaha panalo. Napaka creative nyo talaga.