Last week, namaga ankle ko. Nahirapan ako maglakad kaya pumunta ako sa ospital. Nirefer ako sa isang lalakeng doctor. Pag bukas ng pinto, parang lumiwanag ang kuwarto. Ang guwapo ni doc.
Me: Hi doc!
Doc: Hi…(Tumingin sa patient’s info)… Atty.
Me: Vivian nalang doc. (Puwede din beh kung gusto mo)
Doc: What’s wrong?
Me: Namamaga po ankle ko.
Doc: Patingin nga
(Shet. Di ako prepared. Baka maasim na paa ko. Ang init kaya sa labas. Ang puti at kinis pa naman ni doc.)
Tinaas ko paa ko. Habang tinitingnan nya paa ko, ako naman nakatingin sa kanya. Napatingin sya sakin…
Doc: Are you Chinese?
Me: A little doc. (A little? Ano yun?!?)
Doc: Ano hilig mo kainin?
(Grabe naman tong si Doc kakameet lang namin. At may asawa kaya ako…)
Me: uhm ano ibig nyo po sabihin?
Doc: Matamis,? Maalat?
Me: Ay lahat po.
Nag-iba mukha ni doc.
Shet jinudge nya ako na matakaw.
Me: I just gave birth kaya po mejo malaki ako.
(Teka, wala nga pala siya sinabi na mataba ako. Ang defensive ko.)
Doc: Oh really? Kakalabas mo lang ng hospital?
Me: Ay actually doc, 4 months ago pa.
Doc: Ah matagal na pala.
Judgmental to ah. Buti nalang pogi ka.
Paa ko ang masakit pero gusto ko na rin sana pacheck up pati baga ko…kasi he takes my breath away. Charot lang. Pero sa kapogian niya natameme ako! Para akong high school student na nakausap si crush.
Pero dito sa nameet ko na mas bata sakin na lawyer recently, di nako natameme.
Pogi Bagets Lawyer: Saan ka naglawschool?
Me: sa UP.
PBL: So kilala mo si Charles Veloso?
Me: Ay yes! Partner na sya sa QT (Quisumbing Torres)!
PBL: Nakawork ko sya.
Me: Talaga?
PBL: QT kasi ako dati.
Me: QT ka dati? Hanggang ngayon naman ah…
PAK!
#TitaManSaPaninginKinikiligPaRin 😂
(Peace Papa O, kuwento lang to. Ikaw pa rin true love ko 😂😂😂)
Leave a Reply