May padating na namang long weekend at alam niyo na ang masarap gawin sa ganyang pagkakataon –magtravel kasama ang buong pamilya!
Panahon na naman ng mga #ByeManila shots sa airport, #TakeMeBack shots sa beach at #Staycation shots sa hotel. ‘Yan ang shots na tiyak kaiinggitan sa social media. Pero aminin mo, naka-ilang photos ka muna bago makakuha ng isang natatanging shot na pumasa sa quality control. Bakit kamo? Kasi ibang-iba ang EXPECTATION vs. REALITY.
Expectation: Packing for the family
Reality: Production number ang pagimpake. Feeding bottles, sterilizer, diapers, damit ng baby x10, first aid kit, baby blankets, bibs, pang hugas ng bottles, lampin, tuwalya, jacket, wet wipes, shampoo, sabon, lotion, powder, laruan, etc. (Pustahan, kahit dala mo na buong bahay mo sa maleta niyo, meron ka pa ring nakalimutan 😂)
Tapos may anak na papasok…
Addie: Mommy, can I bring my favorite pillow. Mommy, Barbie will be sad. Can I bring her? Mommy, Barbie needs her house too.
Mommy: Eh kung ibigay ko na lang kaya ticket ko kay Barbie??!
–
Expectation: Awra sa airport
Reality: Nasa airport ka na nang marealize mong maputla ka pa sa suka at…wala ka pang kilaaaaaay!
–
Expectation: Family photo
Reality: Yung nakapag-check-in at nasa plane kayo waiting for take off. Kaya photo ops muna sa plane ang pamilya. Say cheese… One, two, three! Pero hindi picture ang lumabas kundi jebs ng bunso mo. Kaya pala di siya nakatingin sa picture. 😆
–
Expectation: OOTD
Reality: Ang totoo, mamimili ka lang – OOTD (as in Outfit of the Dugyot) dahil parating gusot ang damit mo o OOTDI (as in Outfit of the Dakilang Ina) dahil lahat ng pic mo, may nakasabit sa’yong bagets…
–
Expectation: Baby of Instagram
Reality: 173 shots, 1 pack ng tissue at 2 bimpo ang nagamit sa uhog at luha ng anak mo bago nakakuha ng isang cute na photo.
Expectation: Peaceful and relaxing night
Reality: Alas dose na… gising pa sila.
–
Pero kahit masakit sa katawan at sa bulsa, sulit naman ang pagod lalo na pag nakikita mong enjoy na enjoy at amazed ang mga bagets sa bagong tanawin at activities. Kasi kahit malayo ang reality sa expectation, ok lang basta family ang motivation. Naks!
Pag Ang travel with family (with kids)
Most of the time Hindi ako maganda.
Grabe sobrang relate ako dito waaaa. haha