Gusto mo bang mag-Balesin? Kinompute namin mga magkano magagastos, mahal! Pero ang mas malaking problema, member ka ba?
Pero wala namang problemang di mahahanapan ng solusyon. Kaya eto ang tips namin…
1. Maghanap ng friend na member sa Balesin. Kung wala, maghanap ng friend na may friend na member sa Balesin.
–
2. Next, magpa-book sa Balesin…sa may BALESIN ISLANDER Restaurant sa City Club. Wag mo na muna pangarapin yung BALESIN ISLAND mismo. Matagal na ipunan pa yun. “ER” lang naman ang diperensya.
3. Ngayong nakapasok ka na sa Balesin Islander sa City Club, SULITIN! Ihanda ang pinakabonggang beach outfits at umaura nang todo todo. Bawat sulok, magselfie ka. Once in a lifetime lang ‘to ‘teh!
–
4. At para magamit ang #foodie, siguraduhing busog ka sa buffet…na ikaw na mismo ang maghahanda, para swak sa budget. Sabi naman namin sa “may” BALESIN eh. Keri nang ilatag ang baon sa labas ng restaurant.
Pasasaan ba’t balang araw makakakain ka rin sa LOOB ng Balesin Islander Restaurant. Pasasaan ba’t balang araw makakarating ka rin sa Balesin Island mismo. Pasasaan ba’t makakasalamuha mo rin ang mga Ongpin at si Mareng Heart dun.
Pero sa ngayon, mag-binalot ka muna. 😆
Ang taray! pwede pala mag-boodle fight sa Balesin Island….er! HAHAHA