Bagong taon, bagong buhay. Yan ang palagi nating sinasabi. May mga New Year’s Resolutions na naman na hindi natin matutupad. Pero may tips kami para at last matupad naman natin ang mga ‘to.
Kunwari ang New Year’s Resolution mo ay…
Hindi na ako manlalait.
Eh chinallenge ka ng tadhana at may dumaang nakaganito…
Imbis na sasabihin mo… “Ano ba yang suot nya ang chaka!”
Ang sasabihin mo.. “Ang ganda naman ng porma nya. Siguro mascot sya sa dangwa.”
..
O kaya may dumaan na ganito ang buhok.
Imbis na sasabihin mo… “Ay kulot salot!”
Ang sasabihin mo.. “Ang ganda ng hairstyle nya. May pabahay sa mga ibon. Nakakatulong sa ecosystem!“
..
Eh kung ang New Year’s Resolution mo ay ang walang kamatayang…
Magdidiet na ako.
Imbis na magfufull rice ka tuwing kumakain…
Mag-half rice ka nalang… half bandehado 😂
/
Gawing postive ang negative. Only you can make your New Year’s Resolution come true. 😂
Leave a Reply