Last time na naging “dating” ang status namin ay nung mga 20s pa kami. (Puwera pala kay Provinciated 😂). Ang motto namin nun ay motto rin ng mga prospective clients ng networking – KEEP AN OPEN MIND. Kaya kung may mapansin man kaming quality na hindi masyadong bet, deadma muna. Bigyan ng chance. Malay mo madaan sa winning personality. Hindi naman kasi kami nagmamadali.
Pero ngayong nasa late 30s na kami (Oo LATE THIRTIES NA. Saklap!), napapaisip na kami kung ganito pa rin ba dapat ang strategy. Dapat bang bigyan pa rin ng chance dahil mahirap ng maging choosy sa panahong ito? Or wag na dahil kapos na tayo sa oras?
Dalawa lang naman ang posibleng mangyari eh –
1. Bumaba ang standards natin dahil nagpapanic mode na. Desperate times call for desperate measures; OR
2. Tumaas ang standards natin dahil may karapatan naman na siguro tayo mag-inarte.
Pero yan ay para sa side naming mga Titang S.A.W.I (Single At Walang Iniintindi). Para naman sa mga gusto kami i-date… sana meron please… please… ito ang ilang mga tips on HOW TO DATE A TITA.
1. Wag mo sya dalhin sa coffee shop.
Bakit? Tita na siya. Kaya na niya bumili ng 3in1! At effort kaya maghanda sa date. Kunwari lang casual ang mga Tita pero ilang oras nagpa-beauty yan. Tapos kape lang papainom mo? Isa pa, malamang kinakabahan na siya sa date, lalo mo pa panenerbyusin.
.
2. Dati ok lang sa amin ang walang koche. Ngayon, wag mo naman na ko pasakayin ng jeep at tricycle.
Kasi kahit may winning personality ka, hindi na winning ang amoy natin pareho pagdating sa date place. 😆
.
3. Di na uso ang group date sa mga Tita.
Bakit? Una, di kayo makakapag-usap. Pangalawa, pagchichismisan agad kayo ng friends niyo. Sugal pag di ka nagustuhan ng friends niya. Pa-bwelo ka pa lang, mauudlot na. Tandaan, ang mga Titas, marunong na makinig sa advice. Pag sinabi ng beshies niyang “NO” sa’yo, ligwak ka na!
.
4. Dinner need not be fancy. Hindi kailangan mahal yung kakainan.
Mas ma-aappreciate namin kung dalhin mo kami dun sa “best bulalo in town” at dun sa hindi masyadong maingay.
(Pero mas lalo kami maiimpress kung aabutan mo kami ng Neobloc after dahil iniisip mo ang kapakanan namin. #NeoblocPaMore #SayNoToHypertension #JokeLangWalaPaKamingHypertension #PeroJustInCase 🙂 )
.
5. Wag mo ng hintayin ang gabi para sa date.
Dahil antok na ang Tita ng mga 9:00 pm. Ang puwede nyan, simulan natin ng brunch. Pag nag-click tayo ituloy na natin sa merienda…tapos dinner. Tapos kinabukasan ipapakilala ka na namin may Mama at Papa. 😉
.
6. Wag na tayo paligoy ligoy pa.
Matanda na kami… ops wag niyo ng ipaggiitan. Nauubos na ang panahon namin… Lalarga na ang biyahe at malapit na kami mapag-iwanan so if you’re not it, let’s both move on. Wag mo kami lokohin para lang sa libreng load #sugarmommy.
.
7. Pakilala mo siya sa pamilya mo.
Isang bagay na pabor sa’yo when you date a tita, malamang sa malamang, magugustuhan siya ng pamilya mo. Bakit kamo? Una, mature. Pangalawa, makaka-vibes siya ng parents mo…kasi nga mature. At pangatlo, alam ng family mo na hindi siya magiging pabigat because she can hold her own… kasi nga mature. At… magaling kaming mambola. 😉
.
8. No more small talk.
Yung mga favorite food, movie, music…Sige, pwede yan sa first 10 minutes. Pero after nyan, subukan mo na siyang kilalanin nang mas malalim. Wag naman tayo sa mga tanong na “may gout ka na ba? Hypertension? Ano BP mo kanina?” Tita lang kami… hindi pasyente. 😛
.
May pros and cons talaga in dating a Tita. Pero dahil binebenta namin ang sarili namin, maniwala ka, mas madami ang pros.
A Tita knows how to take care of her man. Siguraduhin mo lang na kaya mo rin siya alagaan. Kung hindi, tsugi baboom! ;P
Leave a Reply