Lunes nang umaga, asar na asar ako. Kung kailan nagmamadali, tsaka pa ko naipit sa traffic. 8AM na. Kailangan ko makarating sa opisina nang 9AM. May special guest kasi na inimbita at kailangang kailangan ko siya makita.
9:45 AM, nawalan na ko ng pag-asa. Pababa pa lang ako ng Skyway. Malamang wala na “siya”. Kaya naman I took my time sa paglalagay ng kilay bago bumaba ng sasakyan. Dahan-dahan akong naglakad hanggang makarating sa lobby ng building namin. Bumukas ang elevator…
Parang may narinig akong tunog ng trumpeta! Di ko napigilan ang aking sarili.
MARK ANTHONY FERNANDEEEEEEEEEZ!!!
Nagsilabasan ang mga empleyado sa kwarto, nagulantang ang security guard, agad kong hinagis ang mga bag sa sahig at sinalubong ang #LabOfMyLife.
Pinagtinginan ako ng mga tao kaya nagpaliwanag ako, “Mahal na mahal ko po siya!”
Di niyo natatanong, matagal naging kami ni Mark Anthony. Pinupuntahan ko pa siya sa bahay niya sa Tahanan Village. Tapos kinikilig ako pag nakikita kong naka-park sa harap ang hot pink niyang kotse. Ibig sabihin nasa bahay ang mahal ko.
Sa kwarto namin, may malaking poster ng gwapings. Gumupit ako ng litrato ko at ipinatong sa mukha ni Eric Fructuoso para magkatabi kami ni Mark. Araw-araw, gabi-gabi kong tinititigan ang poster. Kumbinsido akong magkamukha kami ni Mark…therefore, magkakatuluyan kami.
Minsan pa kong nanood ng Star Olympics kasi alam ko maglalaro siya ng basketball. Sinuot ko pa ang pinaka-“cool” kong outfit noon. Baggy pants at striped tiny tee. Handang handa ako sa “moment” namin. Swerte namang natsempuhan ko siya sa dugout. Pa-demure akong lumapit para magpapic. Pinagbigyan naman niya ko pero walang “spark”. Actually, meron sa side ko pero wala sa kanya. Olats.
Tapos nabalitaan ko na lang na sila na ni Claudine Barretto. Galit na galit ako. Inagaw niya ang lahat sa akin. Mula noon, pinilit ko nang kalimutan si Mark. Sinaktan nila ko. Sila ni Claudine.
Pero nang magkita kami ulit, nitong Lunes lang…habang lumalabas siya sa elevator…na-realize kong ito na ang “SOMEWHERE DOWN THE ROAD” moment namin. Hindi na ko nagpaka-demure. Agad ako nagpapicture. (Salamat Alex at Ate Lourdes!) Nag-quality control pa ko. Nagpasalamat ako kay Lord na nag-kilay ako today. Humingi pa ko ng suporta sa lahat ng nanonood, “Bagay ba kami?!?!” Sumagot naman sila ng malakas na “Oo!” Ang saya saya ko!
Diba bagay na bagay naman talaga? Mukha kaming normal couple just having fun! ;P
Pero nasaktan na naman ako. Kasabay ng tapos ng photo-op, natapos din ang moment namin. Tumalikod na siya. Di man lang lumingon. Di ko pa nahahabol ang hininga ko, wala na siya.
Panghahawakan ko na lang ang matamis na sandali na pinagsaluhan natin. I will miss you but I have to move on. Paalam, Mark Anthony Fernandez. #ItsOver 😛
Hahaha magkamukha namn talaga… But it’s over.
Hahaha