Nagcheck in ka sa airline counter. Di mo inakala, inupgrade ka nila sa Business Class. BUSINESS CLAAAAAAASS! At dahil ipinagkaloob ito ni tadhana, at malamang di na mauulit, ipinangako mo sa sarili mong susulitin mo ‘to. Dizizit!
Pero sabi nga nila, lahat ng sobra, masama. Lahat ng abuso, napapahamak. Panoorin niyo na lang ang nangyari kay P…
1. WAG ASAL-BATA.
Kahit gaano tayo ka-excited maka-experience ng humihigang upuan, at nagdidisappear na lamesa, wag mo paglaruan. Alam naman nating wala tayong pambayad pag nasira yan. 😆
2. WAG PATAY-GUTOM.
Syempre lalabas ang pagkapatay-gutom natin. Libre eh! At dahil tita tayo, ilalabas natin ang microwavable at plastic labo for emergencies tulad nito. Pero ingat sa pag-take home teh. Si P, naharang sa Food Safety Quarantine!
3. WAG DIN PATAY-UHAW.
Unli-water, juice, coffee, wine…sige, push mo yan. Pagbabayaran yan ng pantog mo.
4. WAG KAWATAN
Alam namin ang feeling, sarap iuwi ng kumot, unan at headset. Pero baka sa halip na for PLEASURE ang biyahe mo, maging for PRISON pa, teh.
Tandaan, minsan mahirap talaga pagtakpan ang tunay na kulay…pero kailangan. 😆
Para sa mas madaming kapalpakan na hindi dapat tularan, watch Part 1 ng PROMDI in JAPAN trip ni P.
Winner! Ka aliw much
Kakatuwa ! Sobra kulet
Funny…relaxing
Funny…relaxing