Just because you are a Tita, it doesn’t mean that you can’t have a good time.
Minsan kailangan mong kalimutan ang mga problema at responsibilidad sa buhay. Yung tipong WALang pakialam at WALang pangarap. Yan daw ang ibig sabihin ng WALWAL. Puwede din WALang asawa at WALang jowa. Hindi naman forever… minsan lang and sandali lang dahil paniguradong antok na antok ka na pag-apak ng 10:00 p.m. So, sa mga ka-age namin, paano nga ba magwalwal ang Tita?!
Dress up!
Wag kang maguilty na iiwan mo anak mo sa asawa mo. Minsan ka lang lumabas! At dahil minsan na nga lang umeffort na sa outfit. Plan your OOTD with your amigas para mas masaya ang pag-rampa.
Kesehodang mukha kang magnininang sa binyag. 😛
.
Have a nice fancy dinner before you party. Mamaya mo na check ang blood pressure mo. Traverse the road less travelled and enjoy the moonlight in Paris!
… Pares Bulalo sa Pasong Tamo! 😛
Show them na BIG TIME ka!
Wag isipin ang budget. Masarap minsan magmayaman aminin mo yan. Dapat wala kang smaller bill. So kung P499 ang bill, bigyan mo ng P500 at tanong mo kung puwede pa-break ang piso.
Go YOLO mode!
You Live Only Once or You’re OLmost Lola Olready…so drink as much as you can while you can.
, Eh kung yung “you can” mo ay isang bote lang eh…. wala na tayo magagawa.😂
.
and Dance like no one is watching!
May DJ pa!
DJ REY PAI in the house tonight!!!
.
Watch the TSN Titas make walwal!
Ibang iba na talaga ang “gimik” ng mga tita. Ang importante, take time to relax and enjoy. Deserve pa rin naman natin magwalwal once in a while…kahit kapos sa budget at mahina na ang resistensya. #CentrumSilverNaIto 😂
Leave a Reply