I DO believe in BEAUTY even in the simplest of things.
Kahit sa simple, tahimik at mayuming bulaklak tulad ko, pag inalagaan, gaganda at yayabong.
–
I DO believe in FRIENDSHIP.
Kahit inaaway ako ng mga kaibigan ko dahil sa padalos-dalos kong mga desisyon, alam kong concerned lang sila sa kapakanan ko. Ilang beses na kasi ako na-biktima…ng pyramiding, ng budol budol…at ng lalaki.
–
I DO believe in FAMILY.
Kahit na excited na excited ang tatay kong ipamigay ako sa iba, alam kong gusto lang niya akong lumigaya…at hindi para ako’y makalayas na ng bahay.
––
I DO believe in LOVE.
Mahaba man ang prusisyon, sa simbahan pa rin naman ang tuloy.
–
I DO believe in YOU.
Leave a Reply