Kung sa basketball may “Winning Shots”, meron din sa social media. Ito yung mga mandatory shots para maging “celebrity” status ka… kahit sa Instagram feed mo man lang 😂

Nagpapamakeup Sefie Shot
Shot letting the world know na, “excuse me, mayaman ako. I don’t do my own make up.”
Pero siningit ka lang ng makeup artist kasi wala pa yung mga totoong celebrities. Or kamay lang talaga yun ng kasama mo. 😂
.

Pa-Autograph Shot
Shot na nagpapakita na very in demand ka. Everyone wants a piece of you. Ikaw, oo ikaw, ikaw ang IT Girl.
Pero sa totoo, chinarge mo lang sa credit card mo yung binili mo libro mo 😂

The Hello Telephone Shot
Ang soshal is always on the phone talking to important people. Pwedeng si Tita Tessa, Tim, Rajo o isa sa mga barkada ni Solenn. Chance mo na rin ito ipagyabang ang latest handset mo. So essential to have a phone shot.
So essential din na may totoong phone kang hawak!

The Walking Shot
Shot ng “tumabi kayo diyan, dadaan ang mga diyosa”!

Pero wala naman talagang paki yung mga hinahawi mo. 😂

The Pangbillboard Shot
Diba sa billboard parang ang saya saya ng mga model?! Importanteng may shot na parang ang perfect din ng life mo. Perfect life, perfect outfit, perfect smile…
Pati perfect ngala ngala ipakita. 😂
.

The PaSelfie Shot
Eto yung shot na mukhang arrived ka na talaga dahil nagpapapicture na sayo ang iba.
Sabay after magpapicture tinanong kung sino ka 😂
Ganyang ganyan ang ginawa namin noong Friendfest ni Madam Christine Babao at sinabak kami sa grupo ng mga celebrities. Panoorin niyo to!






Ibang levels na mga mamsh! sosyal na sosyal! uwian na may nanalo na! 🙂
Mrs. D! Hawig na hawig kau ni Kris Aquino sa ‘the walking shot!