Sa lahat ng lugar na pangarap ko mapuntahan, number 1 ang Israel o Holy Land. Ops, oro na, di halata! Sa lahat ng kagagahang pinaggagagawa namin dito sa blog, akala ko lalamunin ako ng lupa pag-landing namin eh. (At yan din iniisip ni D kaya pilit niya ko inaawat. Haha!) Pero naawa si Lord. Buhay pa ko. 😆
At ito ang mga narealize ko sa Holy Land:
1. Ang St. Peter’s fish na pinagkakaguluhan at must-try doon ay….TILAPIA!
.
2. Bukod sa Clash of Clans, kabisado ni Father Thunder ang Bible.
.
3. Si Jesus kinaya dalhin ang napakabigat na cross para ma-save tayong lahat. Ako nagreklamo nung pinabuhat sakin bag ni Ate.
.
4. Di pala ako uusok pagnilublob sa Holy Water.
..
5. Sana lahat makapunta sa Holy Land kasi mararamdaman mo talaga ang pagmamahal ni Jesus sa atin.
Panoorin niyo ang aking visit sa Holy Land 😊
Leave a Reply