• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Life Lessons for Millennials | Patience is a Virtue

TSN · Dec 9, 2018 · Leave a Comment

Minsan pinagtatawanan tayo ng ilang mga millennials dahil sa ating mga kuwento about “noong unang panahon” at sa pagiging attached natin sa mga “vintage” nating kagamitan. 

 

Siguro di nila naappreciate dahil nas matalino na ang mga gadgets nila ngayon. Ngayon, sa sobrang talino ng celfone, isang letra pa lang ang na-type mo, nahuhulaan na niya kung sino ang tatawagan mo. Isang pindot, ring na agad! 

Noon, bawat numero, pipihitin mo. 8…tik tik tik tik tik tik tik tik…4…tik tik tik tik….2…tik tik…Ay, mali! Ulit! 8…tik tik tik tik…

Kailangan ng matinding presence of mind bago mo ma-dial ang number. Minsan nga, by the time makausap mo yung tinatawagan mo, nakalimutan mo na sasabihin mo. 😂

 

Ngayon, pipindutin mo lang ang Netflix o Spotify, swipe swipe, tapos play. Ang DALI!

Noon, aarkila ka muna ng Betamax, VHS o hihiram ka ng casette sa kaklase mo. Malas mo pag di pa narewind ang tape. Manual mode on! Kung ngayon ang DALI, noon ang DALI-RI! Bow.

 

Ngayon, click! May photo na! Maququality control at filter mo pa. Mapapakinis ang kutis, mapapaputi ang ngipin, pati pisngi at nguso, mapapapula. #BeautyPlus

Noon, KODAKAN! Bibili ka muna ng Kodak film. 24 o 36 shots kung kasya sa budget. Swerte mo kung minsan may extrang  isa o dalawang shots bago magrewind ang film. Maingat pero mabilis mong huhugutin ito sa camera. Kasi mahirap na ma-expose. Tapos maghihintay ka ng 2 linggo, kasi nag-iipon ka pa ng pang-develop. Hintay ka ulit ng isa o dalawang oras bago balikan ang mga litrato. At finally, pagtingin mo, kalahati ng shots nakapikit ka! 

 

Ngayon, kahit isang clan kayong magpipinsan, kapitbahay o kahit di mo kilala sa iba’t-ibang panig ng mundo, pwede kayong sabay sabay maglaro ng video game. Ang saya! 

Noon, dalawahan lang ang pwede sa Nintendo Family Computer. Kung 7 kayong magpipinsan, at bunso ka pa, hihintayin mong “mamatay” si Super Mario makailang beses bago ka pagbigyan ng mga kuya at ate mo maglaro. At kapag pagkakataon mo na, biglang maghahang ang family computer. E-eject mo muna ang bala, hihipan ito nang malakas pati yung saksakan, para daw matanggal ang alikabok, masamang elemento at malas, bago ka makakalaro ulit! Mas malas ka pag nagbrownout! 

 

Sa madaling salita, tiyagaan noon. Kung maiksi ang pisi mo, at hindi ka madiskarte, nganga! Ibang iba sa ngayon na isang pindot, magic! Kaya mahalagang mapaalam sa inyo, mga bagets, kung gaano kahirap noon. Hindi sa gusto lang ng mga titos at titas niyo magkwento nang walang katuturan kapag family reunions. Gusto namin ipaalam sa inyo ang halaga ng pasensya. Bakit? Because PATIENCE IS A VIRTUE. AND I….THANK YOU! 😄

Panoorin ang video at sabay sabay nating sariwain ang ating kabataan, mga titos at titas. 😊

Related Posts

  • You are Turning Tita when…You are Turning Tita when…
  • How to Walwal Like A TitaHow to Walwal Like A Tita
  • How to Date a TitaHow to Date a Tita
  • Tita MovesTita Moves
  • Titas Learn Millennial Lingo | Module 2Titas Learn Millennial Lingo | Module 2
  • Titas Learn Millennial LingoTitas Learn Millennial Lingo

Domesticated, Parenting and Marriage, Provinciated, Soshal Relevance, TSN Tita Moves, Titas of Manila

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in