One week nalang Pasko na! If kulang ka na sa budget pero gusto mo maging memorable pa rin ang gift mo, ito ang ilang mga gift ideas.
Gift para sa mga Malamig Ang Pasko
Bigyan yan ng “Malamig ang Pasko Gift Basket” with Gin bilog, pomelo juice at mamisong chichiria.
Pag gising nya, tapos na ang Pasko.
Gift sa Friend na Mahilig sa Collectibles
Give her something from your own personal collection… of condiments.
Gift sa Pinagkakautangan
Ang sobreng matagal na niyang inaabangan sayo…
na may nakalakip na utang na loob.
Dahil yun pa lang ang kaya mo ibayad sa kanya.
Gift sa Friend na Matagal ng Di Nakita
This Christmas, make sure to spend time with your friend.
The greatest present you can give him or her is your presence.
Gift sa Artistic Friend
Your friend will love this Calligraphy Kit na puwede ring KareKaregraphy Kit.
(Chicken feather quill pen with the finest amber ink from atsuete seeds)
Gift sa Friend na Pangarap Maging Travel Blogger
Airline tickets will make him the happiest person on earth in December.
Pero baka mga December 2025 pa.
Gift sa Asawa
Give your husband a catalogue and let him choose from the items…na puwede nya iregalo sa iyo.
Magandang gift yan sa kanya kasi di na sya mahihirapan.
Gift sa Jowa
Wallet na may nakalaminate na picture mo. Cellphone casing na personalized… ng mukha mo.
At relo na ang face ay couple pic niyo.
Pag di nya sinuot… Mag-wish ka na may makakatanggap ka ng gift number 1.
Dapat pati sa CR, sinamahan mo friend!
A box full of ketchup that’s so funny.