It’s so nice to see your friends’ Christmas and New Year family photos. Everyone’s smiling and having a great time. Pero bakit sa amin pahirapan?! 😂
Pag makakita ng magandang place for photo ops, ang Mommy (ako) magtatawag na ng pamilya.
Mga ten minutes bago mo sila mapagsama-sama.
–
Masuwerte kung may kasama kayong puwedeng kumuha ng family photo niyo. Pero madami daming shots ang kailangan niya kunin kasi siguradong may isang aalma sa itsura nila sa photo …
.
O kaya merong di nakatingin…
..
O kaya nakatingin na sila, pero ikaw naman ang di nakatingin…
–
At kelangan niyong bilisan kasi di na mapakali ang mga chikiting.
–
Sa tagal ng picture taking, merong totopakin.
–
So kailangan si Mommy ang kumuha ng photo para ipa-smile yung tinopak. Tapos pag-turn mo na, yung isa mong maliit na kasama naman ang tinopak.
–
And finally ok naman na ang itsura ng lahat… blurred naman ang kuha!
😂😂😂
Don’t worry kung fail ang family portrait niyo dahil your family is already God’s masterpiece. Di man picture-perfect ang family mo, picture-perfect naman sila sa puso mo! #HappyCheesyNewYear!
True!