Hay, dumating din ang Three Kings! Natapos na naman ang isang Kapaskuhan na puno ng kainan, party-han, chikahan, shopping-an, regaluhan at mas marami pang kainan. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang kumumpleto sa Pasko ko? Yung mga bagay at tao na hindi pwedeng mawala sa Christmas Party o Family Reunion. Mga bagay at tao na taun-taon mong inaabangan. Eto ang listahan ko.
Yung tita mong kukuwetsiyunin kung bakit wala kang lovelife, pero pag may lovelife ka naman, kukurutin ka sa singit kasi ang harot mo.
Yung kamag-anak mong karir kung karir ang costume at performance level ang presentation.
Yung pinsan mong nalito sa theme.
Yung mga kamag-anak mong akala milyon ang premyo sa parlor games kaya Competitive Level 257. P300 lang naman pinagtatalunan.
Yung pinsan mong malakas maka-Tawag ng Tanghalan sa Showtime kung kumanta. Kung maka-emote parang may huradong Rey Valera na magkokomento pagkatapos.
Yung Tito mong nagpupumilit na “medyo” nakainom lang daw siya pero di na makalakad nang tuwid.
At yung balikbayan mong pinsan na uubusin yung baon mong English.
Oo, nakakapagod ang Pasko. Pero pag ganyan naman kakuwela ang makakasama mo, SULIT! Panoorin ang mga ito and more sa video:
I would also like to take this opportunity (yes, English!) na magpasalamat sa lahat ng tumulong sa Ignacio Villamor Gift-Giving namin ng officemates ko.
Atty. Meliza Favorito
Atty. Vivian Tan-dela Cruz
Atty. Angelica Anne Recto
Atty. Jennifer Fandialan – Legaspi
Atty. Maria Lucia Fernandez
Atty. Alanna Gayle Khio
Dixie Caidic
Rogelio Puzon
Marie-cris Ordonez
Atty. Samantha Camitan
Atty. Michelle Recto
Atty. Gioan Legaspi
Richie Javier
Jimmy Nhur
Bernadette Magno Lim
Jona Mandawe
Ellen Tayag
Jedidiah Lim
Christine Anne Francisco
Quench Natural Alkaline Water for the goodies
Lory’s Catering Services
Mas ok pala yung Pasko na hindi ka lang nagpakasaya, nakapagbigay-saya ka pa. Merry Christmas, Happy New Year at Happy Three Kings, mga kasoshalan!!!
Sana ganyan din kami kadami sa fam namin.