Ang mga sumusunod ay tatawagin kong “tips” para sa mga first-timer mag-staycation sa hotel o sa nahihiyang matawag na hampas-lupa kaya umaakmang hindi big deal para sa kanila ang tumira sa hotel.” Pero para sa ating mas nakararami, aminin niyo, ginagawa niyo na ang ilan o karamihan sa ililista ko. Itaas ang kamay, iwagayway kung…


- Pagdating na pagdating sa hotel, kailangan may #kodakan session agad sa harap ng pangalan ng establishment. Para may remembrance…at para malaman ng lahat ng kamag-anak at kaibigan mo na nag-staycation ka kapag na-upload mo na ito sa social media gamit ang…

2. Free WIFI ng hotel. Kasi magchecheck-in ka pa lang, aalamin mo na ang wifi password. Tapos lahat ng device mo, connect connect! Para updated sila sa bawat kibot mo.
.
3. At dahil may kamahalan mag-hotel, aba, kailangan sulitin! Ang aircon…kesehodang tumulo na ang uhog mo…

Ang tubig, kesehodang malagas na ang buhok mo sa kakaligo…

At ang amenities…kesehodang mangulubot na ang kamay, paa, at nguso mo sa swimming pool.

.
4. Magkape ka na lang sa umaga. May libre naman sa kwarto. Magpaalam ka na lang na magte-takeaway breakfast ka kasi maaga ang pasyal niyo. Para ang complimentary breakfast buffet for two…pwedeng gawing complimentary lunch for six!


.
5. At last but definitely not the least…iuwi lahat ng pwedeng iuwi sa kwarto!!! Shampoo, sabon, toothbrush, maliit na toothpaste, toilet paper, notepad, lapis, at kahit garbage bag. Kung 2 nights ka sa hotel, isaksak mo na sa bag mo yung freebies sa unang araw. Para pag nag-housekeeping kinabukasan, bagong set na naman ang ilalagay nila. Wag ka na mahiya, kasama naman sa bayad yan!


For more tips, panoorin ang video na ito.
Kinahiya ako ni Father Thunder nang slight pero wag ka, ginagamit pa rin niya yung inuwi naming toothbrush. ;P






We stayed at the same hotel in 2017. 8 kami lahat. 6 adults, 2 kids (3 yo and 7yo). Good for 4 lang ang complimentary breakfast ng adults since the kids eat free naman. What we did was per batch ang kain hahaha… 😀 Kasi we’ve asked kung puwedeng bumalik as long as within breakfast time pa, oo daw. 😀