Kung ang Yugatech at si Jam Ancheta may GADGET UNBOXING,
At ang Kids’ Toys may TOY UNBOXING,
Pwes, ang mga TSN Titas ay may APPLIANCE SHOWCASE UNBOXING!
Pero ibahin niyo kami, dahil feeling intelektwal kami, very scientific ang approach ng aming unboxing. Welcome to the first-ever post in our ScienTITAS series na pinamagatang ScienTITAS | a Comparative Study of Oven Toasters. (Lakas maka-term paper!)
After years of research, we have formulated the most effective method by which to review various household items, in this case, two popular brands of OVEN TOASTER – HANABISHI at ASAHI, according to highly important and relevant categories.
LOOK
Hanabishi – Classic/Colorful vs. Asahi – Sleek/Modern
Importante ito dahil baka kailanganin mong dalhin ang oven toaster sa opisina o mall. Maigi nang madali siyang ternuhan ng OOTD mo. Sa aspetong ito, sa Asahi kami.
.
PRICE
Hanabishi – P1,020 vs. Asahi – P920
Oo, isang daan lang ang diperensya pero sa panahon ng kakapusan, ang isang daan na ‘yan ang magsasalbo sa’yo sa kahirapan at gutom. Dahil dyan, at dahil mukha kaming pera, sa Asahi kami.
CORD LENGTH
Kung P100 nga pinanghihinayangan namin, lalo nang wala kaming pambili ng extension cord. Kaya importante sa amin na mahaba ang cord ng appliance. Ilang beses naming inulit ang pagsukat, mahabang debate at di kami makapaniwala sa resulta — pareho lang pala sila. It’s ATAY!
.
COSMETIC SURFACE FINISHING a.k.a. kung pwede manalamin
Bilang may-bahay, essential that you have multi-tasking capabilities. Bawat minute ay mahalaga! Dapat kaya mo maggayat ng patatas na isasahog mo sa corned beef, habang nag-iinit ng tinapay sa toaster at habang nagmemake up! Kaya dapat makinis at reflective ang surface ng oven toaster para mapantay mo ang iyong kilay. Dito lumamang ang Hanabishi.
.
TING!
Ito…ito ang determining factor para sa kahit na anong oven toaster in the market. Ito ang dapat masusi nilang inaaral at ineenhance. Ito ang magtataas sa appliance brand sa rurok ng tagumpay – KUNG GAANO KALAKAS ANG “TING!” ng oven toaster. Para sa amin, Hanabishi is it.
.
And last but definitely not the least,
JINGLE
Obvious naman kung sino ang panalo sa kategoryang ito. Tiyak na mapapaindak ka to the tune of…”Asahi, cool so well! Asahi, day and night. Asahi, makes you feel alright! Turn, turn on an Asahi fan.”
Very minor na lang yung ACTUAL OVEN TOASTING CAPABILITIES – na para sa amin ay Hanabishi ang nagtagumpay bilang mas mabilis at pantay siya makaluto ng tinapay. Pero who cares sa aspetong yan. 😛
Panoorin ang aming video review na walang kabuluhan pero pero pero may katatawanan.
Hanggang sa susunod na ScienTITAS post!
Leave a Reply