Bakit maganda na walang tubig… Tingnan naman natin ang positive effect nito.
Magagamit mo na in its truest essence ang hashtag na #IWokeUpLikeThis pero para mas accurate, #IWokeUpLikeThisLastTuesday
Hindi na makakapagpost sa social media yung feelingerang kaibigan mo na pinagmamayabang na nagju-juicing siya. Tubig nga wala, juice pa?!
Hindi ka na malilito pag sinabing “pool party” kasi automatic sa bilyaran gagawin. Alangan naman kasi sa swimming pool, eh wala ngang tubig.
Sesexy tayong lahat! Kung totoong 2/3 of our body weight is water…tapos walang water, edi lahat tayo magiging sing-payat ni Pia Wurtzbach!
Wala na silang karapatan i-judge ka pag nag-ulit ka ng outfit. Di ka nakapaglaba eh. Di ka nila pwede i-judge pero pwede ka nila i-smell. 😂
Magkakaron ka ng good decision-making skills. You will be trained to weigh the pros and cons of a situation. Yung natitirang isang tabo ng tubig ipanghuhugas mo ba ng pwet mo or pangsipilyo mo?
Kung edad trenta ka pataas, mapapanindigan mo na talaga ang katagang “DIRTY THIRTIES.”
The barriers between social classes are broken. Dahil mahirap o mayaman, pare-pareho na ang itsura ng tao pag 5 araw walang ligo.
Congratulations! You can now be an official supplier of ESSENTIAL (FACIAL) OILS to Young Living and DoTerra. #WalangTubigPeroMayPuhunan
“Sometimes getting angry, crying or laughing are the only options left, and laughing feels better right now.” 😊
Leave a Reply