Ang tunay na soshal, CULTURED! Uma-attend ng Art Fair (attend lang naman, walang usapang bibili), Film Festivals (pasok ba dito ang MMFF?) at higit sa lahat, MUSICALS! Alam mo yan, mamsh! Iba ‘pag may IG post ka na nasa Theater ka, rubbing elbows with your fellow arts and culture aficionados. Lakas makataas ng antas sa lipunan! Mas level up ‘pag di mo lang napanood ang musical, na-interview mo pa ang stage actors! ‘Yan ang pina-experience sakin ng Globe Live and 9 Works Theatrical last March 17, 2019.
They allowed me to interview the cast of ETO NA! MuskalnAPO! Medyo kinabahan ang lola mo dahil una, di naman tayo lifestyle reporter. Pangalawa, baka mapalaban ako ng English! Well, medyo napa-English nga ako pero ang saya nila kausap! At eto ang highlights ng interview namin…
/p>
Mars, sinasabi ko sa’yo, MUST-WATCH ang ETO NA! MuskalnAPO! Bakit kamo?
- KUNG LUMANG TAO KA
Hindi ko sinabing matanda ha! Lumang tao as in lumaki sa dekada 70s at 80s. At kahit hindi, basta nakaka-relate ka sa panahong ‘yun. From beginning to end kasi, katutuwaan mo ang old school references nila – sa damit, buhok, salita at gamit. Instant flashback kumbaga. Think de pihit na telepono, Love Bus, bell bottoms, etc etc. Ganern!
2.KUNG GUSTO MO MAKAKITA NG ARTISTA Andun si MARK BAUTISTA (na paborito ko sa “A Star for a Night”), RITA DANIELA (na jowa ni Boyet sa “My Special Tatay” at ang sexy but sweet na si ROXANNE BARCELO!
Pero maliban sa kanilang napapanood sa TV, di papatalo ang ibang cast members like JOBIM JAVIER (na anak ni Tito Danny Javier. Oo, “tito” talaga ;P), ALFRITZ BLANCHE na hanep ang boses, JON PHILIPPE GO, SAB JOSE at ang trio nina JEF FLORES, JON ABELLA AT VYEN VILLANUEVA na nag-uumapaw sa energy! Silang tatlo ang gumanap bilang APO Hiking Society.
At dahil pwede magpapicture after the show, sinulit naman shempre! May bonus pang Tito BOBOY GARROVILLO!!!
3. KUNG MAHAL MO ANG OPM Speaking of APO Hiking Society, kahit Baby Boomer o Millennial, kilala ang mga kanta at tunog nila. Sino ba naman ang di mapapasabay sa “Pumapatak Ang Ulan”, “Lumang Tugtugin” at di mase-senti sa “Ewan”, “Panalangin” at ang ultimate graduation song na “Saan Na Nga Ba’ng Barkada Ngayon”?!
4. KUNG GUSTO MO NG SOSHAL RELEVANCE The story centers on a group of friends who joins a singing and songwriting competition and the challenges na hinarap nila, both as a “barkada” at sa personal nilang mga buhay. May issues on love, family, sex, and even the political turmoil brought by Martial Law. Mga issues na di mo akalaing matatalakay sa isang comedy musical.
5. KUNG GUSTO MO HUMAGALPAK NG TAWA Lumabas ako ng teatro na may malaking ngiti sa bibig pero basa ang mata sa luha. Loka-lokahan lang ang peg. May mga eksena kasing kukurot sa iyong puso pero MOSTLY kukurutin mo ang hita ng katabi mo sa tawa! Iba ang mga punchline at comedic timing ng mga artista! Nabugbog ko nga si Cho Cardo sa saya eh.
Kaya HINDI NIYO PWEDENG PALAMPASIN ang #MusikalnAPO. Extended nAPO with new show dates on March 31 and April 5 to 7, 2019. Get your tickets HERE: https://glbe.co/etonatix2019 😍
Leave a Reply