Parati natin naririnig ang women empowerment line na lahat ng kayang gawin ng lalaki, kaya rin gawin ng babae. Pero dahil Father’s Day, magbigay-pugay din tayo sa mga bagay na kayang gawin ng mga tatay na hindi kaya (at ayaw din) gawin ng mga nanay.
1. Umihi nang nakatayo. (Pwera na lang yung mga lolang nakadaster na bumubukaka na lang sabay pagpag. 😆👵🤦)
2. Hindi matanong sa math assignment ng anak pero kayang kaya magkwenta ng tatamaan sa sabong.

3. Kaya lumabas sa bahay nang topless.

4. Di magmukhang masagwa kahit mabuhok ang kilikili at binti.
5. Reklamador pag masakit ang katawan pero biglang gumagaling pag nagyaya sina kumpare.
6. Nagmamana lahat sa kanya kung matalino, guwapo, at mabait ang anak (kahit napakalayo ng itsura nila)

7. Family driver slash uber sa lakad ni mommy at mga anak with promocode for life dahil walang bayad.
8. Atapang atao di natakbo puwera sa endocrynologist at urologist niya.
9. Sanay sa puyatan at antok nalalabanan. Puwera nalang pag anak ang babantayan.

10. At ang huli kong natutunan — kaya pala ni Father Thunder magluto ng combination ng kaldereta at menudo (dahil labu-labo ang hiwa niya sa patatas at carrots). Panoorin ang kauna-unahan (at malamang hindi na masusundan) na cooking episode ni Father Thunder. 😆
Leave a Reply