Kung nirerekomenda ng mga doktor ang SSS (Sariling Salat sa Suso) para sa kababaihan, mariin naman naming nirerekomenda ang KKK – Kilatisin ang KiliKili – para sa lahat ng hinihinalang may chismis ang underarm area nila.
Pero paano ba ang pasimple pero effective na pamamaraan para gawin ang KKK? Ito ang ilan sa aming mga suggested da moves…
The Inipit
Isiksik ang kilikils sa kahit na anong gamit sa opisina, pwedeng folder, stapler o binder.

Tapos magkunwaring masipag sa trabaho sabay amoy sa item na pinagkiskisan.

Siguraduhing di mahahalata. Di ka man mawalan ng trabaho, mawawalan ka naman ng kaibigan.
The Rage
Rage as in galit. Galit na nagmumula sa puso at sa nagsisilakbo mong kilikili. Ilabas mo yang galit sa boss mo, sa chismosa niyong kapitbahay o kahit sa nanay mong talakera at ibunton mo sa isang piling lugar.

Kapag nabuhos mo na ang galit mo sa “spot” na yun, pasimpleng amuyin. Pag di maganda ang resulta, may isa ka pag kaiinisan…sarili mo.
The Coach
Maganda ang laban. Lamang ang kalaban. Kailangan humabol ng paborito mong koponan. Na-sense mong kailangan mo na rin ata humabol ng ligo.

Ipitin ang mga kamay sa maselan (at mamasa-masa dahil natetensyon ka na nga) na lugar. Sabay todo sigaw ng “FOUL!”

Tandaan lang na importante ang timing sa technique na ito. Baka time out naman kasi, umeksena ka pa.
The Chilling Effect
Sa mga pagkakataong malamig naman ang lugar ngunit, sa di mabatid na kadahilanan, ay naglalawa ang kilikili mo.

Magpanggap pa ring ginginaw, habang ang mga hinlalaki ay nakasuksok sa not-so-cool and not-so-dry place. Maya maya ay alisin na ito, idampi sa wrist na parang pabango at amuyin.

Kung walang amoy, swerte mo. Kung meron, lalo mo nga lang kinalat, atey.
Ito pa ang ilang tips to smell your baktol and how to “avoid” it. 🤪
Ang dami ko pong tawa dito. Nakakainspire po. Start up Inay blogger here po. Ang galing kuhang kuha po ako . Congrats po.