The bar examination is your BIG shot para maging BIG shot! Kaya ibigay mo na ang lahat lahat lahat… kesehodang maging BIG ka na rin.
BIG ANG KATAWAN
Dahil kaya mong pataubin sa isang upuan ang buong pack ng Granny Goose. Dahil kaya mo makonsumo sa isang meal ang breakfast, lunch at dinner.
Dahil naniniwala kang katumbas ng 5k marathon ang maghapon mong pagbabasa, deserve mo yan. Go lang!
BIG ANG KASUOTAN

Res ipsa loquitur. Yan ang masasabi mo pag nagtitimbang ka. Yan din ang masasabi mo kapag, kahit yung panty mong maluwag ang garter, sakto na lang sayo. Isipin mo na lang, kailangan mo man magpalit ng XXL na OOTD habang review, makakabili ka naman ng mas bonggang OOTD pag nakapasa ka na.
BIG ANG PANTOG

Yung pinipigilan mo maihi hanggang di mo pa natatapos ang chapter na binabasa mo. O pag-upo mo sa trono, kasama mo pa ang Civil Law Reviewer mo.
Dahil mahalaga ang bawat minuto, pag nagka-UTI ka, daanin na lang sa buko.
BIG ANG SULAT
Ang susi sa pagpasa ay tamang sagot. Pero kung di sigurado, baka madaan sa tamang SUKAT ng sagot. Lakihan ang handwriting. Mas malinaw, mas madaling basahin at (kapag naka-3 pages ang sagot mo) mukhang mas madami ka ring alam. 😉

BIG ANG UTAK
8 subjects, 8 codals, 8 annotations, 8 reviewers, 8 sets of tips…sa dami ng kailangan mo isaksak sa utak mo, you literally have to THINK BIG. I-maximize ang brain cells. Burahin mo muna sa memory ang walang hiyang ex mo, o yung panglalait ng nega frenemies mo, o yung pangpapraning ng kapwa barista mo. Sayang lang yan sa space. Focus on YOU and YOUR review. Pagpasa mo, tsaka mo na sila patulan. Matitikman nila ang silakbo ng iyong paghihiganti.
More kuwentuhan sa video:
Leave a Reply