Importante sa buhay na “SKILLED” ka. Kahit di ka pa nakatapos sa pag-aaral o hindi ka bukod pinagpala na pinanganak with a silver spoon in your mouth (di namin gets bakit naging kasabihan yan. May silver spoon ka nga, eh kung mabulunan ka naman?!), mahalaga na madiskarte ka. At sa pagkakataong ito, ituturo namin ang isa sa pinakamahalagang set of skills kung gusto mo makatipid — ang PAGTAWAD.
1. Bultuhan bumili.

Kung kailangan kontratahin mo muna ang friendships mo bago mamakyaw, o di kaya bumili ka ng maramihan pang-negosyo, pwedeng pwede ka makatipid pag bulto ang bili. Just say the magic words… “Magkano pag wholesale?” “Pag tatlo, wholesale price na bigay mo!”
2. Best Actress

Wag na wag kang maglalabas ng buong pera. Iisipin ng tindera na madami kang datung at di ka makakatawad. Dapat ipakita mong nanggigitata na yung mga bente at singkwenta pesos mo. Mas effective kung nanggigitata ka rin for maximum effect. Sabay sabi ng, “Wala na kong pamasahe pauwi. Bawasan mo naman presyo nyan.”
3. Payaso

Pag nakachempo ka ng masayahing tindera, daanin mo sa boka! Chikahan mo ng mga latest showbiz happenings, o di kaya laitin mo yung naunang customer na nagmamayaman pero wala naman binili. Pwede ka rin mag-dance showdown sa harap ng tindera! Pag nahuli mo na ang loob nila, tiyak, makakamenos ka!!!
4. Suplada

Option mo rin maging “customer na nagmamayaman pero wala naman binili”. Minsan effective din ‘to. Tatawad ka at pag di binigay sa presyong gusto mo, kesyo nawalan ka ng interes at may pagwalk out ang drama mo. Minsan, hahabulin ka at papayag na si Madam Tindera. Pero pwede rin magbackfire at baka mabulyawan ka.
5. No Choice

Ito natutunan namin kay Mother Earth ni Provinciated. Kapag ang bibilhin ay halagang P350, tumawad ka ng 250. Kung ayaw ibigay, mag-abot ng 270 na kunwari nagmamadali at wala ka nang ibang pera na dala, sabay kuha sa item. No choice na si tindera. Kung di talaga pwede, aalma at hahabol naman siya. Pero pag hindi humabol, effect na ang tawad mo!
WARNING: Kailangan pakiramdamang maigi ang tindera at wag kumaripas ng takbo! Dahil kung hindi, baka tanod na ang humabol sa’yo.
Naku, gamit na gamit namin ang skills set na yan sa Fashion Market sa Market! Market! nung nag-“Steal That Look Challenge” kami. Eto panoorin niyo!
Leave a Reply