Dati ang YOLO mo ay You Only Live Once…
Ngayon ang YOLO mo ay You’re OLmost Lola Olready!

Dati, pag nakita ka nilang naka-fanny pack, sasabihin nila, “Ang cool naman niya!”
Ngayon, pag nakita ka nilang naka-belt bag, sasabihin nila, “Andyan maniningil na naman siya!”

Dati, invited ka dahil 18 candles…
Ngayon, kaya ka na lang invited dahil sa 18 blue bills.

Dati sa pagpili ng outfit, mas gusto mo magmukhang payat.
Ngayon gusto mo na lang magmukhang mayaman (dahil di na kayang pumayat.)

Dati, iniisip mo kung kaya ka niyang mahalin habambuhay…
Ngayon, iniisip mo na lang kung kaya ka niya buhayin.
Period.
Dati, ang priority mo is gym membership….
Ngayon, Philhealth, SSS and HMO membership.

Dati, work/school-party-sleep, repeat…
Ngayon, sleep-sl…ee..p-sl…zzzzz

Dati, iinom ka hanggang mag-pass out..
Ngayon, pag-iinom ka, GOUT.

Dati you live for high heels.
Ngayon you die of high blood.

Noon, bagets ka na naiinis sa matatandang KJ sa gimik….
Ngayon, kinakahiya ka na ng bagets kasi BAKIT KA PA GUMIGIMIK??!

Dati pag-twinning kayo ng barkada, squad goals kayo…
Ngayon, pag twinning kayo, suot niyo ang uniform ng Rotary club niyo.😂

So ayaw ko na bang tumanda? Siyempre hindi. Di baleng tumanda basta may pinagkatandaan. Ibig sabihin, madaming dinanas kaya madaming natutunan. Kaya madami ring mapapasang aral sa anak ko. Pero sabi rin nila, kalabaw lang ang tumatanda. Ang puso…. hindi.
#YunOh
pinakanatawa ako sa “naniningil dahil nakabelt bag”
huwel, ang nakabelt bag, para sa akin, ay kunduktora ng JD Transit dahil nilalamnan ng panukli tanders nga