Naki-uso at nanood ng “The Dark Knight Rises” ang Familia Provinciated.
Kasama ko si Mother Earth, si Father Thunder at si Ate Kupungsingsing. Nag-apurang umalis ng office, drive sa MOA, bili ng ticket. 6:15 PM show, Cinema 1. Sabi ng babae sa ticket counter, “Pwede na po pumasok nang 5:30 PM.” E 5:25 PM na. Pagdating kong theater, nakita ko na ang pila. Ayos, pipila na ko habang hinihintay sina mudra galing sa parking.
Sakto ang dating ng mga kaanak ko. Nagpapapasok na. Ganda ng upuan namin! Kain ng pop-corn at iced tea habang nanonood ng trailer. Biglang pinatay na ang ilaw. Magsisimula na…
“Starring Vilma Santos…Directed by Chito Rono”
(pic from kompalakay)
Ah trailer to ng “The Healing”. In fairness, kakaiba trailer nila. Parang movie na mismo.
After 2 mins…haba namang trailer neto.
After 5 mins, chineck ko na ticket namin. Tama naman. Tumayo na ko para magsaliksik.
P: Boss, Batman ang palabas diba?
Boss: Naku, ma’am. Kayo po pala ‘yun! Mali po kayo ng pinilahan.
“The Healing” po ito.
P: Diba to Cinema 1?
Boss: Cinema 2 po ito!
Ngek! Na-tanga lang. Sa madaling sabi, naglipat-bahay kami. Di pa naman nagsisimula ang Batman pero panget na tuloy upuan namin. Anyway, andun na e. At least tamang pelikula. After ng movie, syempre gandang ganda ako…
P: Mudra, ano’ng masasabi mo sa pinanood natin? Ganda noh?
Mudra: Masakit ang pwet ko.
PAK! ang family date. As in PAL-PAK!
Leave a Reply