A few months bago mag-bar exams, I stayed in Tagaytay. Tahimik kasi dun at mas conducive para mag-aral. Ang kaso, hindi ako sanay sa tahimik. Minsan, lalo na kapag bagot na bagot na ako sa pag-aaral, halos mabingi ako sa katahimikan. Although nandoon si Ate Sonia (housekeeper namin), I couldn’t really talk to her about my frustrations and fears lalo na sa most critical period bago ang pinakamadugong exams ng buhay ko. Di niya ako magegets e. In short, di ako makakapag-drama sa kanya. I needed someone who would keep me company. Someone patient enough para makiramay sa pagka-bagot ko. Someone na kaya ako aliwin pag nalulungkot ako. Someone na alam kong naiintindihan ako kahit di kami mag-isang salita. I was glad I had PABLO.
Boylet? Jowa? Live-in partner? OO. PABLO was our dog. A Belgian Malinois given by my Kuya para alagaan sa Tagaytay. Medyo payat at weak daw kasi e. “Fabio” talaga ang pangalan niya. Imported from France ang lahi ng lolo mo. Pero dahil translated to Tagalog ang mga commands na tinuro sa kanya, tinagalize na rin pati pangalan niya to “Pablo”. Needless to say, he was my bestfriend nung mga panahong yun.
Favorite spot niya sa tabi ng outdoor sala namin where I studied everyday.
Every morning, paggising ko, we would take a walk sa bakuran. Kaunting laro. Tapos mag-aaral na ‘ko. Andun lang siya sa tabi ko. Nakahiga. Kasama kong nabo-bore habang nginangatngat niya ang mga highlighters ko. Binabasahan ko siya ng codal at annotations. In fact, kung pinakuha ko nga siya ng bar, malamang mas mataas pa nakuha nun sa’kin e. ‘Yan ang schedule namin araw-araw. Nagkakahiwalay lang kami pag may review classes ako kasi kailangan ko bumaba galing bundok.
June 11, 2008, tinawagan ako ni Ate Sonia. Mahina daw si Pablo, hindi kumakain, hindi umiinom. Tatlong araw na. Banas na banas ako kung bakit nun lang sinabi sakin. Hora mismo, lumuwas ako pa-Tagaytay. Pagdating ko dun, naawa ako sa nakita ko. Hinang-hina na si Pablo. Buto’t balat at nagdudugo ang gilagid. Ang jowang iniwan kong maliksi at malusog, nang balikan ko, halos di ko na makilala. Dali-dali ko siyang tinakbo sa vet. Ginawan ng tests. Ang resulta, LEPTOSPIROSIS. Narinig ko na ang sakit na yun dati. Pero akala ko pang-tao lang. Binigyan siya ng shots at meds tapos ay pinauwi rin sa bahay. Magdamag ko siyang binantayan. Magkatabi kami sa sala. Inoobserbahan ko siya at pinupunasan ang dugong tumutulo sa bibig niya. Di na siya makatayo. Hirap na hirap na ang aso ko.
June 12, 2008, alas-5 ng umaga, iniwan ko siya sa sala para maligo dahil kailangan kong umattend ng review class on VAT (e bobo ako sa tax). Paglabas ko, laking gulat ko pagbukas ko ng pinto. Sa tapat na ng pinto nakahiga si Pablo. Sabi ni Ate Sonia, pagpasok ko raw ng kwarto, gumapang pasunod si Pablo. Pinilit niya maglakad. Nadurog ang puso ko.
Dinaan ko si Pablo sa vet bago lumuwas at pinagbilin na gawin nilang lahat ng pwede gawin para maligtas ang aso ko. Oo daw. Kinausap ko si Pablo, “Babalik ako pagkatapos na pagkatapos ng class ko ha. Hintayin mo ko.”
Maling desisyon. Di rin naman ako maka-concentrate sa class kakaisip sa asong inabandona ko. Until I received a text message from the vet, “Pablo is gone. We did everything we could to save him.” Sa kalagitnaan ng lecture hall sa UP Law Center, hindi maiiwasang marinig ang hikbi ko. Kung nalaman nilang aso ang iniiyakan ko, I’m sure may panghahamak akong narinig. “Sus, aso lang naman pala e. Babaw naman nitong babaeng ‘to.” Pero alam kong maiintindihan ako nung ibang nag-aruga na rin ng hayop na minahal nilang parang tao. Alam nilang di matatawaran ang sakit na hatid pag nawalan ng alaga.
Ilang minuto pa lang ang nakalipas, may isa pa akong natanggap na text. This time, galing naman sa Kuyakoy ko – “It’s a baby girl!” Nanganak na pala ang Ate E ko. 7 months lang ang bata (si E3) but they had to operate na dahil naging very very delicate ang pregnancy ng sister-in-law ko.
Naniniwala ba kayo sa pamahiin? May narinig kasi ako na ang mga hayop daw ay may kakayahang iligtas ang buhay ng amo nila sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng sarili nilang buhay. Noong June 12, 2008, napatotohanan ko ang pamahiing yan. In my heart, alam kong niligtas ni Pablo sina Ate E at E3. And I will forever be grateful to him for that.
Pero di diyan natatapos ang istorya ko. Hatid na rin siguro ng awa sa akin ni Kuyakoy, binigyan niya ako, almost immediately after, ng isa pang jowa. Si ECO. 2 years old na Doberman nang dalhin siya sa amin ni Kuya. Noong una, halos walang gustong lumapit. Napakalaking aso, kulay itim, tirik na tirik ang mga tenga, putol ang buntot, ang laki ng bibig. Mukhang kumakain ng tao. Pero hindi ako natakot. Ako ang nag-alaga kay Eco. At dahil “baby” ang trato ko sa kanya, “baby” din ang akala niya sa sarili niya. Doberman na Shih Tzu kung umasta. The most gentle dog I have ever had.
Pinag-trip-an kong suotan ng baby sando na nabili ko sa ukay-ukay.
Every New Year, nilalagyan ko ng bulak ang tenga niya at nagtatago kaming dalawa sa silong ng bahay para di siya masyado ma-imbey sa putukan.
Spaghetti dog food for his birthday!
Most memorable experience namin nang dalhin ko siya sa MOA. Matagal na naming plano yun e. Sanay na kasi ang mga tao makakita ng maltese at shih tzu na bitbit ng mga amo nila sa mall. Pero Doberman?! Gusto kong makita ang reaksyon nila sa babaeng ang hila ay asong mukhang manlalapa ng mini pinscher. Classic yun. Sa dami ng tao sa MOA on that Sunday, di ko naramdamang masikip. Malayo pa kasi kami, humahawi na ang mga tao sa takot. Kung alam lang nilang wala nang mas babait sa Baby Eco ko.
Pero 3 days ago, when I brought Eco to the vet, I received the bad news. Nabiktima siya ng heartworms. The doctor told me to expect the worst pero ako, ayoko. Binili ko lahat ng gamot na pwede at kailangan. Again, binantayan ko siya magdamag. Pero di siya bumuti. Manas na manas ang legs, maputlang maputla, hingal na hingal.
This very afternoon, Eco died. Nadurog na naman ang puso ko for the second time. Iniisip ko na lang, at least, di na siya nahihirapan. And maybe, just maybe, isa na naman sa amin ang niligtas niya sa kapahamakan. I miss him terribly though. Di ako sanay tignan ang bahay niya na walang laman…
Twice na ‘ko ”nabalo”. Maka-recover pa kaya ako? Makapag-alaga pa kaya ako ulit ng aso? Sabi nina Father Thunder at Mother Earth, wag na daw. Sobra daw ako ma-attach e. Hindi daw normal. Mababaw nga siguro sa tingin ng iba. Pero isa lang ang alam ko, if and when I do care for another pet, di ko babawasan ang attachment ko. Di ko babawasan ang pag-aaruga at pagmamahal ko. Kesehodang “mabalo” ulit ako. Naniniwala kasi ako na…every pet deserves GREAT LOVE because that’s the only kind of love they know how to give.
In memory of Pablo and Eco.
Ms. P naka-relate ako dito. Halos naloka din ako ng mag-text mudra ko nun na deads na ang alaga naming aso. Imagine TV broadcast, nasa control booth ka kasi may live report kang minamando habang umiiyak. 🙁
I love ur articles Ms P! Keep them coming.
Aw. Parang first time kong nakabasa sa blog mo Ms. P ang nakakaiyak. :'( (bagong reader lang kasi) Relate na relate pa naman ako sa mga kwento mo, ung pagkajologs at kung anu-ano pang kalokohan. Tas isa ka pang aboganda, pero ako hindi. Childhood dream ko lang un. Haha. Tas isa ka pang dog lover. 🙂
Sana makatagpo ka ulit ng asong mamahalin. Kailangan ka nila kumpara sa mga taong mapang-abuso sa mga hayop. 🙂
Naku Ja, pwede ka pa mag-law noh. Go for gold! Haha!
At apir tayong mga dog lovers! May alaga kaming dutch shepherd at maltese ngayon. Ikaw? 😉
Ay naku Ms. P. Di ko carry ang maging aboganda. Dahil mas bet ko na ang maging Baker o di kaya’y Make Up Artist. Chos. Hahaha! 😀
Isa pa lang ang aming furbaby — japanese spitz. 🙂 Pero may tatlo sa bahay ng lola ko na di ko alam kung anong lahi. haha. Wala pang nagbibigay sa amin ng AsPin pero gusto ko magkaroon ng ganun! 🙂
Yung aso namin my sakit ngayon. 3 days na. T.T Aso nmin sya for almost 12 years.
mahilig aq sa dog kya i’m so sad pgnamatay un,…di ba nga sabi nila walang aso nah nagta2gal ang buhay tulad ng tao….naka2iyak ung story
just lost my dog Maski last Sunday and i know the feeling. para akong baliw na umiiyak sa office. pangatlong doggie ko na namatay. hayyy ang sad lang. pero ang maganda lang iniwan kami ni Maski ng 5 new puppies.
Hay. Mahirap talagang mag-mahal… pero kelangan.
Oh my. Napaiyak mo ako 🙁