May kaklase kami noon sa law school. Itago na lamang natin siya sa letrang “L”. Aminin man niya o hindi, LAW-ka yun at madalas wala sa ulirat. Bakit kamo?! Mantakin mong isang araw, habang nakatambay kami sa may hagdanan at nagkakasayahan, walang ka-abog-abog na bumanat ng ganito…
L: P, balita ko naghahanap ng bagong VJ ang MTV Asia ah.
Lahat nag-iisip kung ano relasyon nun sa topic namin at hand…pero to be nice, sige, pinagbigyan…
P: Ah talaga? Dito sa UP?
L: Yup, May auditions nga e…kung maganda ka lang sana…
Anak ka ng &@$?!! Walang kapatawaran!!!
P: Ah ganun ba?! Alam mo, naghahanap din sana ako ng kaibigan e…kung TAO ka lang sana!!! Ganda mo kasi noh?! E sa kaharian ng mga panget, ikaw ang DIYOSA!!! Lech!
L: Huh?!
Di niya gets. Wala pa rin talaga siya sa ulirat…pero muntik na rin siyang mawalan ng malay…kung di nakapagtimpi si P. Pasalamat siya! Pero P, LINTIK LANG ANG WALANG GANTI!
shufal ng fez ng L na yan! sarap sabunutan!!!