According to CIA World Factbook, ang average lifespan ng mga Pilipino ay 75. Ibig sabihin, bago ka tumuntong ng 80, malamang sa malamang, tigokski ka na. Bibihira at mangilan-ngilan ang umaabot ng 90. At pag nakaabot ka ng edad na 100, kamangha-mangha ka na.
Isa ang lola ko (auntie ng daddy ko dahil isa siyang matandang dalaga) sa mga kamangha-manghang taong ito. Ang edad niya…handa ka na ba…103! Bongga diba? Oo, may narinig na tayong umabot sa edad na 108 o 120 pa siguro. Pero kadalasan, tulala, ulyanin at di na makausap sina lolo at lola. Pero iba si NATIVIDAD L. JAVIER, of SUPER legal age, SINGLE, a.k.a. “Lola Ninang”. Sharp like a sharpener (huwaat?!) ang Lola? Eto na lang ha.
Araw-araw, every after meal, naglalakad for 15 minutes ang lola palibot ng bakuran niya. Yun ang kanyang exercise. Madaming puno at halaman sa bakuran. Isang araw, natuwa ang isang babae na itago na lang natin sa letrang “P”, at kumuha ng bubot na bunga sa punong santol. Akala ko kasi (oo ako yun) pwede nang kainin. Aba, kinabukasan ay nagsumbong ang mga kasambahay sa akin. Nagalit daw ang Lola Ninang. Bilang pala niya ang bunga ng punong santol! Sino daw kumuha nung isa?! Patay!!!
May pagka-supladita kasi ang Lola Ninang. In fact, kahit na sinong makausap kong kakilala siya, may pangamba sa mukha pag nababanggit yung pangalan niya. “Si Ate Naty? Hindi ngumingiti yun!” Gusto niyo ng sample? Heto…
1. Hindi kumakain ng TILAPIA ang lola. According to her, maduming isda daw ang tilapia. Kung anu-ano daw ang kinakain at karaniwan daw na tilapia ang pinapakain sa ibang isda. In short, sa hierarchy ng ka-soshalan ng mga lamang-dagat, nasa itaas ang lobster, crabs, sugpo at lapu-lapu. Ang tilapia, lugmok na lugmok at nakasadsad sa pinakababa. May ganun?! E pano pa kaya yung galunggong, dilis at alamang?! Kahabag-habag.
2. Lugaw o kung tawagin ng Lola ko ay “Nilugaw”. Hinding hindi rin daw siya kumakain niyan. Pagkain daw yan ng mga may sakit. At kahit may sakit daw siya, hindi pa rin siya kakain niyan dahil sabi niya, ang lugaw ay “pagkain ng mga pobre“. Taray! Nahiya naman ako. Peyborit ko kaya ang goto with matching dugo. Kaya pala tuwing nakikita niya ko kumakain nun every Wednesday sa Baclaran, damang-dama ko ang panghuhusga at panghahamak sa kanyang mga mata.
3. Maliit pa lang ako, napapansin ko na kay Father Thunder na parating nagtitira ng isang maliit na tumpok ng kanin o ulam sa plato. Nitong malaki na ako, tinanong ko kung bakit siya ganun. Apparently, turo daw yun ng Lola Ninang. Wag daw sisimutin ang plato. Magtira ng kapiraso. Bakit kamo? Para hindi daw magmukhang “PATAY GUTOM.” The term!!!
from rhainnegervacio
I’m sure pareho tayo ng unang inisip, napaka-aristokrata naman ng lola. Pero wag natin siya i-judge. Unang una, hindi naman tayo judge. Pangalawa, hindi natin alam ang kultura at kaugalian 103 years ago. Pangatlo, kahit tarush ang lola ko, panalo pa rin ang sense of humor niyan.
P: Lola, bili ka naman ng Louis Vuitton na bag tapos hihiramin ko.
Lola: Bakit, magkano ba yung ganun?
P: Siguro po mga P50,000.
Lola: Ano?! Napakamahal namang bag nun! Hindi ako bibili nun.
ibili na lang ako ng mumurahin at lalagyan ko ng P50,000 sa loob.
Palakpakan! Good point, Lola. Good point.
Isang beses, napag-tripan kong turuan ng mga usong lingo si Lola. Diba ang cute…103 years old na babaeng vaklushi!
P: Lola, bonggahan natin ang birthday party mo.
Lola: Bongga?!
P: Naku, uso ngayon yung salitang BONGGA or BONGGACIOUS, Lola. Try niyo.
Lola: Paano yun ginagamit?
P: Pang-describe lang po ng kahit na anong bagay na maganda o winner.
Lola: Ah ganun ba…
(after 15 minutes ng usapan at kwentuhan)
Lola: Nakita ko ang ayos ng simbahan kanina. BONGGANG BONGGA ang mga bulaklak! Siguro ang mahal ng bili sa mga yun. Pati yung altar at mga kurtina BONGGA! Ang yaman at BONGGA siguro ng nag-donate nun.
Sinulit?!
September 13 ang birthday ng Lola. Noong ika-100 niyang kaarawan, di kami pumayag na hindi BONGGA ang celebration niya.
P: Lola, malapit na kayo mag-100! Magpaparty tayo nang malaking malaki!
Buong Bacoor kukumbidahin natin. Lahat ng mga friends niyo
papupuntahin natin dito.
Lola: Tumigil ka. Friends…wala na kong friends noh! Lahat nauna na!
P: Ay, oo nga pala. Kahit na, Lola.
Madami kayang gusto maki-celebrate sa birthday niyo.
Kayo lang daw kasi kilala nilang umabot ng ganyang edad.
Papatahi namin kayo ng damit. Ano po ba favorite niyong color?
Lola: Ayoko niyan! (Nagalit…) Tigilan niyo ‘ko…
(Lahat tumahimik. Lagot. Napwersa ata…)
BLUE! Blue ang favorite color ko.
Yun oh! Umarte lang pala!
May isa pang ganyang eksena. Noong kasagsagan ng impeachment trial, nanood din ang lola sa TV. Minsan niloko ko…
P: Lola, kilala niyo yung Serafin Cuevas?
Yung abogado ni Corona sa impeachment.
Lola: Oo, bakit?
P: Gusto niyo reto ko kayo dun Lola? Yiheee! Malamang biyudo na yun.
Pwede…
Lola: Ikaw na bata ka. Puro ka kalokohan…..Teka, ilang taon na ba yun?
P: 83 po ata.
Lola: (Sumimangot)
Aba, INTERESADO!!! Gusto pa pala kumerengkeng! Lola, waley ka nang choice kundi maging COUGAR noh! Bwahahaha!
Nagtataka at manghang mangha ang Father Thunder at Kuya-koy ko. Paano ko raw nabibiro nang ganun ang Lola. E sila raw takot na takot dun. Siguro wala lang nangahas makipag-biruan sa Lola nang ganun. Siguro deep down inside, may inner kakengkoyan siya na hindi niya nalalabas. Siguro, magka-wavelength lang talaga kami.
Paano nga kaya umabot ng 103 noh? Dami ko nang naisip na teorya. Baka dahil hindi siya umiinom ng malamig na tubig. Baka dahil wala siyang sarili niyang pamilya kaya di siya nase-stress. Baka dahil, contrary to public knowledge and medical findings, healthy pala talaga ang LECHON, TABA NG BABOY at BALAT NG MANOK.
Di ko sure kung ano ang totoo sa mga teoryang yan. Pero ang alam ko, kung sakaling umabot man ako sa edad ng aking lola, (at oo, kahit na tumanda rin akong dalaga), gusto ko rin manatiling witty, matalino at sharp…with pamatay na SENSE OF HUMOR. That, I think, is the key to the Fountain of Youth.
(some pics taken from google)
Fab si Lola
Naku, ayaw na ayaw rin ng mudrakels ang Tilapia. Madumi daw un, yun daw ang sabi sa kanila ng lolo ko na namatay naman sa edad na 105. Pero one time,nung nagpunta ako sa bahay best friend ko, ang tanghalian nila ay fried tilapia. Syempre curious ako, tumikim ako. “Ang sarap pala!” .
Wow! 105??! Sayang, bagay sana sila ni Lola. Hehe 😛
Ang ganda. hahaha 😀
Maraming salamatsss! We hope you’ll continue reading. Kami naman we’ll try keeping our entries interesting for you. Isang malaking good luck na lang sa mga kaibigan at kamag-anak naming nadadamay dito! Haha!
belated happy birthday, lola!!! ang bonggacious mo haha! =P
winner si lola!
i enjoyed reading your blog.
ang funny ni Lola… surprisingly, may Tita (RIP) din ako na hindi kumakain ng Tilapia! same explanation though! =)
I love her sense of Humor 🙂 Sobrang funny!
Yung lola ko dati nanghahabol naman ng walis pag inapakan mo yung winalisan niya 🙂
Ahihi! Ang sarap naman kachikahan ni Lola! I looove grannies! All of them! All shapes, sizes, and ages! 🙂
lol…I love the Barbie on the rocking chair sa cake ni lola.
Love it! 🙂