Baby A learned to stand-up early. Pero mga 2 months pa after she learned to walk. Ngayong nakakalakad na siya, ang bilis nya ma-discover ang ibang bagay like RUNNING, CLIMBING, LIFTING, PUSHING, PULLING… AND LUPASAY-ING.
Magkaka-heart attack ako sa batang ito!!! Eto so far ang magiging cause of early death ko:
1. Lumalapit siya sa ASKAL na tumatahol violently with matching laway!
Hi cute doggie. Can Baby A keep you?
2. Pinipindot nya ang HOT water sa water dispenser. Hot pa talaga eh noh? May cold naman!
3. Tinatago nya celphone ko sa mga sulok ng kuwarto or ilalim ng bed! Ilang beses na ako wala celphone pagpasok ng office.
4. Childproof ang kuwarto so covered ng mats ang floor. Ang Baby A pinag-isipan talagang mabuti na itapon ang cell phone ko sa labas ng kuwarto.
5. Sinusubo nya lahat. As in LAHAT! Ponytail, strap ng bag, resibo, alcohol, wet wipes, mejas, sapatos…LAHAT!
Baby A’s first taste of paper… Reyes Barbeque Receipt!
6. Nambubully siya ng infants. Hihilain nya ang buhok.
7. Naghuhug siya ng batang lalake with pacute smile! Ang aga maglandi!
Baby A’s first crush
8.Lumalambitin sya sa lahat ng puwede nyang sabitan… Doorknob, curtain rod, pinto ng koche….
Eh kung isabit ka nalang kaya namin talaga? 🙂
9. Ayaw nya sa grass mag-practice maglakad. Gusto nya sa stairs at sa mga bato!
10. At ang latest, sleep walking with wrestling. Ayaw na niya matulog sa crib sa gabi. At first katabi namin siya… and then mga twice ako magigising with matching panic attack kasi wala na siya… nasa baba na siya ng bed, or mga 2 meters away sa amin sa mga toys niya, or sa ilalim ng crib niya…. pero madalas kung kelan super deep ng tulog namin, may bigla nalang mag-bobody slam and swak always sa c-section ni Mommy! Pang- world wrestling federation lang!
Homaygad, what’s next Baby A? Fire-throwing, fire-eating, bungee jumping??
Hi Marie and Hana… so normal lang pala ang anak ko? Hay salamat!!! 🙂 haha ang kulit eh!
I’m a mom to an 18 month old and I can so relate to what you wrote especially yung sleepwalking plus wrestling. Grabe! Bugbog kami ni hubby parati. 😀
haha what a cute and funny (in a good way) post!
ganyan din 1 year old ko super kulit na!