By: Guestblogger MARIAE
Pag tinatanong satin ano ang Most Embarrassing Moment natin, ang madalas na nilalagay natin sa slumbook ay, “Nadulas ako sa harap ng crush ko” or “Napunit shorts ko habang nagp-P.E. kami”, or ang sikat na sikat na “M2M (many to mention)”.
Well, dahil matagal nang nangyari to, I would like to share my most embarrassing moment. This happened when I was in highschool. Nagaral ako sa isang all-girls school somewhere in Manila. Yung school namin, super hilig sa mga stage plays and ginagawa syang annual competition ng mga sections per batch. Super kina-career to the point na yung costumes namin talagang pinapatahi pa, minamartilyo yung mga props and minsan may apoy apoy effect pa nga. Yung mga estudyante mismo ang nagsusulat ng script, nagccompose ng music and sila rin ang bahala sa mga lighting and sound effects. Months before the competition, pinaghahandaan na sya and may awarding awarding pa to sa dulo.
Asian ang theme ng competition for second year dahil ang literature topic ay Asian Literature. Ang napuntang country sa class namin ay “Japan”. Ang naging role ko nun, isa akong NINJA! Syempre super excited ako dahil ang pangarap ko talaga nung bata ako ay maging isang assassin.
So sa pagganap ko ng ninja, I feel like I’m one step towards my dream. Kinareer ko talaga ang pagppractice ng arnis at ang pagkilos ng matulin. Tiniis ko ang mga pagkaipit at pagtama ng mga arnis sa mga daliri ko. Training kumbaga.
Eto na ang highlight ng kwento ko. Ang instruction ay, within 10 seconds, tatakbo paharap ang mga ninja from the back of the theatre tapos aakyat ng stage. You can do whatever you want to get there, pwede ka magstairs and pwede ka ring magpaka-ninja talaga na aakyat kang di gamit ang stairs.
Pagkaakyat sa stage at pagdating sa “position” ng mga ninjas ,which is sa likod ng mga bida, magffreeze kami dapat. Medyo plakdain kasi ako kaya naisip ko, pag dumaan ako ng stairs, baka madapa pa ako. And dahil feel na feel ko nga ang pagiging ninja ko, pinili kong umakyat ng diretso sa stage na halos mas mataas pa sakin.
ACTUAL PLAY. Start na yung war scene. Start na rin yung 10-second counting. 1…2… Tumakbo na kami galing sa audience towards the stage. Inuna kong nilagay yung mga arnis sa stage para maiakyat ko nang mabuti ang sarili ko. 3…4…5…
SH********************T. Nooooooooooooooooo!!!
DI KO MAANGAT SARILI KO. HELP.
Mejo kinakabahan nako nun kasi ayoko namang magfreeze habang tina-try kong akyatin ang stage.
Magiging comedy yung play namin nang wala sa oras.
6…7…Waaaa. Naiiyak nako, di ko talaga maangat. LOOOOOORD.
8…9…
May mala-milagrong nangyari. Bago bumilang ng 10, naiangat ko ang sarili ko. Mula nyan, naniniwala nako talaga sa power ng “adrenaline rush” and “divine intervention”. Nasabi ko sa sarili ko, “Better late than never”.
FREEZE!!
Tanan! Epal na epal lang ang dating ko. Ako lang ang ninja na nakapwesto kahilera ng mga bida. Hiyang hiya ako nun, buti nalang nasa bida lang yung spotlight. Inuusog ko yung sarili ko paonti onti, baka matamaan ako nung spotlight. Naiimagine ko na yung director namin na mura nang mura.
Ang ending, second place kami sa competition na yun out of 8 sections na naglaban laban. I strongly believe na hindi naman siguro dahil sa pangyayaring yan kaya kami nag- 2nd place. Chos. Maganda din talaga yung pinresent nung nag-1st place. May rape scene e.
Kaya isa sa mga nilalagay kong embarrassing moment sa slumbook ay, “I tried to pull myself up but I can’t.” Parang madramang motto lang.
Moral of the story, wag mag-feeling. Gumamit ng stairs.
Para sa director namin, “Sorry na”.
humikbi ako sa tawa amp. Lesson: Ang ninjang di makaakyat ng stage, loser =D
Nope! Wahahaha.
Shalma, is that you? 🙂 Hahahaha.
Inuna kasing aralin ang arnis kesa pag-akyat sa stage e! Bwahahaha! Super funny read!!!