Madilim ang Pasko namin. Bakit? Kasi nagdilim…nagdilim ang bakuran namin sa dami ng namasko! Hindi ko alam kung indikasyon ‘yun na, contrary sa sinasabi ni Pnoy na umuunlad na ang buhay ng mga Pilipino, mas madami pa rin ang nangangailangan ngayon OR ganun lang ka-popular sina Mother Earth at Father Thunder na nagkalat ang mga inaanak nila. Exaj talaga! Yung mga dati rati ay ni hindi man lang kami binabati kapag dumadaan sa tapat ng bahay namin, aba! All of a sudden, kamag-anak daw namin sila kaya, aside sa pamamasko, mega pasok pa sa kusina at sandok ng spaghetti! Tumbling, cartwheel, split!
Other than that, it was a fun Christmas. Noche buena sa bahay ni Lola. In fairness, nakapamasko ako ng 1k! Ang kaisa-isang pirasong salaping natanggap ko ngayong Pasko! Ganun ata talaga kapag may hanap-buhay na. Deadma na ang mga ninong at ninang. Ang mga pamangkin ko ang tiba-tiba dahil andami nilang presents. Nakakataba naman ng puso kapag type na type nila yung binili mong regalo. Sulit ang pagdurugo ng credit card.
Sa mismong 25, fly na kami sa Tagaytay for the Reyes Retro Reunion (side naman ni mudrabels)!!! Lahat ay naka-hippie/retro outfits. Bawal sa Reyes ang KJ kaya lahat um-outfit!
Ang fun ay yung tinatawag na WHITE ELEPHANT method ng exchanging of gifts. Ngayon lang namin ginawa yun e. Ang catch pa, kailangan wacky, funny but still useful ang regalo mo. Worth 500 pesos. And for that, ang binalot namin…
Tae Package:
48 rolls ng toilet paper at isang malaking lata ng Glade air freshener
(pangotra sa deadly air)
Pantawid-gutom Package:
10 kilong bigas
(dinorado naman in fairness)
Walang Kwenta Package:
Isang malaking Familia storage container
na may lamang isang baretang sabon,
Maggi Magic Sabaw, Datu Puti Toyo,
kalendaryo at adult diaper.
Bilang kapalit, ang natanggap ko ay…
*Relief Goods Package: 2 malaking basket ng Ligo sardines.
Maligayang Pasko sa ating lahat!!!
at least ready ka na for typhoon, baha,famine, delubyo at kung ano ano pang disaster!
Haha! Every christmas, dumadating yung inaanak ng mom ko. Ibang klase! May one year, isa lang inaanak ng mom ko, but she went to our house with her kids, her pamangkins, siblings and… Their neighbors! They arrived one jeepney full.
P, hippie/retro ba talaga ang peg mo? 🙂
Bakit, D? Mukha bang pang-araw araw kong kasuotan yan? Ano ba itsura??? Damang dama ko pa naman ang pagkanta ng “There’s a kind of hush all over the world, tonight” habang suot yan! Haha!