Tinatanong ako nila P and S kung mahirap ba magka-baby. OO NAMAN! Mahirap mag-alaga ng baby whether you’re a working mom or a full-time mom. Lalo na if ang baby mo ay sobrang kulit and demanding!! Si Baby A pa naman hindi prim and proper. Papalitan lang ng diaper, may habulan pa. Nakaka-ubos ng energy. But seeing your baby grow is enough energy booster. Mahirap pero masarap at the same time.
For me, pinakamahirap yung first four months ni baby, especially if you’re a first time mom. Trial and error. Ang dami kong bloopers! Pero understandable naman daw kasi you can’t really say that you’re prepared kahit ilang seminars pa ang inattendan mo or librong binasa mo.
Naikuwento sakin ni Mommy Fleur dati na may time na yung tae ni Anika napunta sa mukha niya! Sabi ko sana di mangyari sa akin dahil iba lang talaga ang level ng aroma ng poopoo ni Baby A. As in yung trash can ng bathroom namin palaging amoy patay na daga. At nakakatakot pag-natae siya sa Rustans, baka palabasin kami ng guard! Ganun daw talaga pag-soy milk. (Tsaka na ang kuwento bakit kinailangan ni Addie mag-formula).
Anyway, kuwento ko sa inyo ang worst diaper tragedy ko with Baby A.
One Sunday, nasa bahay kami ng in-laws. Hinanda ko ang diaper bag ni Addie. At dahil ang tali-talino ko wala akong wet wipes, diaper at extra clothes for Baby A. Isang dress, 3 bote at gatas lang dala ko. Nag-“DIAPER BAG” pa ako noh?!?!
At ang kinatatakutan kong pangyayari ay naganap… TUMAE SI BABY! Que horror! Parang volcanic eruption at tsunami attack lang.
Ang mala-extra thick gravy na mainit init pa ay lumabas sa diaper at shorts ni baby. Dinala ko siya sa bathroom at hinugasan. Buti nalang may naiwang mga diaper yung 2 year old na pinsan ni Addie. So, humiram ako ng diaper niya. Kumusta naman, DOUBLE XL ang diaper niya, samantalang Medium lang si Baby A. Pero beggars can’t be choosers! So kumuha ako ng diaper sa cabinet ni cousin sa tabi ng bed.
When I was about to put the diaper on Baby A… tuwang-tuwa si Baby A. Ang cute niya! She was laughing and she was tapping the bed….Iniisip siguro niya, “YES! NATARANTA SI MOMMY!!!”
Then I felt something warm… warm feeling??? Hindi!
WARM IHI!!!!!
Anaknampuch! Kaya pala tuwang-tuwa… Nag-iimagine atang nasa swimming pool!
Her used clothes and the dress she was going to wear, which were all on the bed, got wet! Pati pants and panty ko wet! Pakshet! Bakit andami ng ihi ng baby eh ang liit lang naman ng pantog nila?
Baby A ended up wearing an over-sized shirt from her cousin and an over-sized diaper, which I tried to custom-fit on Baby A by putting masking tape… Sorry na! I needed to be resourceful. Desperate times call for desperate measures! At hindi lang ako nakagawa nito, igoogle niyo!
Anyway, nakiuwi na ako after that. On our way home, tumae ulit si Baby A…. at dahil maluwag pa rin ang diaper despite the masking tape, her poop came out and went to mommy’s pants… AWARD!!! Papa O had to bring the car sa carwash para sa malubusang detoxification.
Pero hindi naman poopoo lang ang naiuwi ko sa karumaldumal na pangyayaring ito… I won a Nursing Mom’s Amara day bag from Mothering Earthlings c/o Mommy Fleur’s blog.
Kung may pera sa basura… may ginto sa tae!
Hahahahaha!!!!
Bongga ang experience. I miss u. Iniimagine ko u r personally telling me ur story kaya lalo ako natatawa!
Miss you too Hazel!!!! 🙂
Hi Ms. D, super tawa ako can relate sa mga bobos of being a first time mom lalo pa na 3 months old pa lng si baby i accidentally cut yung skin ni baby sa finger nya when i cut her nails grabe as in yung takot ko when i saw blood and when my husband saw the cut mangiyak ngiyak sya sa galit sakin can blame him paki alamera kasi lesson learn pag hindi alam huwag ng gawin para hindi mapahamak
OMG, naku nagpanic din siguro ako nun! nagpopoo si Baby A ng blood dati nung di pa namin alam na lactose intolerant siya. Parang aatakihin ako sa puso!!!
At natawa ako dito bilang can relate ako. Haha!
Haha, share naman! 🙂