Usually after magkainisan with C, I get extra-sweet. Usually din naman kasi, ako ang may kagagahan or naghihimutok about some nonsense thing (yes, accepted ko yun. Accepted na din nya).
Nung Sunday, inis na inis ako sa kanya dahil ang bagal nya magdrive, and then naghihimutok sya na hindi nya matunton kung saan yun pupuntahan namin. Nagtatantrums habang nagdadrive. So major di ko sya pinapansin pag dating namin sa Despedida de Soltera ni Loudet and MA. Tapos para magpapansin, pinakialamanan nya yun phone ko at kung ano anong passcode ang linagay, so therefore, nag-lock ang punyetang phone at di ako makasagot sa staff ko for about a minute (Oo, madaming pwedeng mangyari sa buhay ko in 1 minute. OA pero true.)
Medyo nahimasmasan na ako, so the next morning while he was putting on his barong and I was waiting for him to leave (because as a fully-devoted GF, I always try to bring him to the door to say good-bye—kung hindi ako hung-over) I said to him: “You know that you’re the one I’m spending the rest of my life with right?”
Tinignan nya ako ng mataimtim, sabay tumingin kay Suri the-princess-dog, “So pwede ko nang itapon yan?”
S: “At ano naman ang koneksyon nun sa sinabi ko?!!”
C: “Eh, ako na lang naman kailangan mo eh, istorbo lang ‘to.”
Pang-asar lang talaga sya. Parang hindi sya masaya pag hindi nya ako iniinis. Di ko talaga alam kung bakit kami magkasama.
Ang funny niyo, S!
Mas maglelevel up pa yan once you tie the knot. hehehe.
Naku Em! Wala munang tie the knot! Ayaw ko pa mag-propose!