SPOTTED! JUDY ANN SANTOS a.k.a. JUDAY!!!
Highschool pa lang ako, tinutukso na akong kamukha ni Juday. Siguro dahil CHABELITA rin ako at “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” days pa ni Judy ann nun. As in kaka-graduate pa lang niya sa role na “Mara”. Kasi kung ang basis ay ang litratong ito ngayon, ANG LAYO HA!!! Ang ganda ng lola mo! Not that I’m saying na hindi ako maganda. (Kasi gigiyerahin kayo ni Mother Earth at Papa N pag may nagsabing pangit ako.) Pero ibang-iba ang dating ng Mareng Juday ko. Ang kinis ng kutis…to think na kakagaling lang ata niya sa workout. Ang puti. Ang soshal!
In fact, ang mas winner kaysa kutis niya ay ang kanyang bag! GIVENCHY! Yun nga ang unang napansin ng balikbayan kong pinsan, si N (yung isa pang magandang nasa kanan). Di nag-register sa kanya na artista yun until nanlaki ang mata ko sabay sigaw ng “SI JUDY ANN ‘YAN!!!”
This was taken sa SLICE sa Highstreet. O diba, lumelevel up ang tambayan ko. Dati rati hanggang SM Bacoor lang nararating ko. Ngayon pa-Fort Fort na…ganun e! 😛
Judaaaaaay! Ganda niya infer ha. Pres na pres. 🙂
Buti na lang kulot-kulutang buhay ka, P.
Denise, Bebengisms
Sa Podium ka tumambay, makakakita ka ng isang celebrity a week, tantsya ko. 🙂 Pero OMG ang ganda nga ni Juday.
Podium…medyo malayo. Pero para sa “artista high,” willing ako!!! 🙂
Worth it yan! Nakita ko na si Bea Alonzo, Bianca Gonzales, Mark Pingris and wife Danica Sotto, RANDY SANTIAGO!! Kay Randy pa lang, sulit na, P!
Randy Santiago is da best! Naaalala ko ang Bababaero at “Si Taray at si Teroy” days niya. Haha!
walang make-up?
Waley! Natural lang talaga siyang maganda. Partida, galing pa siyang workout niyan ha. Kung ako yun, nanggigitata itsura ko for sure! Kesehodang naka-Givenchy pa ko! Hahaha!
Ang fresh ni Juday (at syempre kayo rin!) =D And parang type ko ang watch nya hehe! Dapat pala parati kitang kasama para madami akong makitang artista hihi =P
Wag na kasi tayo sa Southmall at MOA tumambay. Mas bongga sa Highstreet teh! Mas masakit nga lang sa bulsa. Hehe 😉
She’s so pretty! Ang simple lang pero ang ganda!
I agree! Simpleng simple ang ganda. Pero ang mas maganda, yung ugali niya. Ambait e! 🙂