I took the elevator going down to the ground floor. Hindi pa ako nakakalabas ng elevator may dalawang babae ng humarang sa akin at sumakay ng elevator. Gusto pa ata ako isama pabalik sa taas. Maari namang palabasin muna ang mga tao bago sumakay, di ba? ATATashyon!! Di naman sila iiwan! This is one of my pet peeves.
Hate ko din ang:
Puwede na sila magbuo ng party list sa dami nila. Vote Agaw Buhay Party List! Ka-stress lalo na sa umaga. Basta may makitang chance makasingit, halabira! Fresh na fresh ka pa naman tapos pagdating mong office mukha ka ng Golum sa stress.
Have you noticed na kung kelan nagbubuhol na yung traffic biglang maglalaho ang traffic enforcer? Makikita mo sila nagkukumpulan nalang sa isang tabi, tapos pakawaykaway lang. Conductor ng Lupang Hinirang ang peg.
Nakakainis ang mga bus and jeep na bigla nalang hihinto sa gitna ng kalsada para maghintay ng pasahero. Ginawang terminal ang buong daan. Tapos pag-magoovertake ka na, tsaka sila aandar. Kunwari pa di ka nila nakikita. Award!
May mga tao ding trip gawing treadmill ang escalators. Yung sumakay na sila pababa at kasunod niya kayo. Sabay narealize nila na di pala sila baba so tatakbo sila paakyat ng escalator hahawiin niya kayo patabi ng parang sinampay ka lang na damit.
Yung puno ang restaurant, pero luckily nakaupo kayo. At habang kumakain ka, may nakaabang na tao sa tabi mo. Bilisan mo na daw!
OMG, OMG, OMG, di dapat mastress. nakaka-wrinkles to!
Super inis ako sa mga Agaw-buhay na tricycle drivers saka hari ng kalsada. Lagi ko ngang iniirapan yang mga yan once dumaan n sa harap ko. Pero ayun, DEDMA nman sila! Akala mo walng kasalanan!:/
Jedmadela talaga Peach. Nakakagigil sobra noh! 🙂 pero bawal mastress 🙂
Pet Peeve sa LRT: Rush Hours. Tipong nagmamadali ka na, sabay daming aberya kesyo may sirang tren or tipong pagdating sa station niyo PUNO na ang tren! Seriously?! Major stress!
Tapos pawis pawis na paglabas hahaha!!
Sama mo na rin yung mga tumatawid bigla sa C5 at yung ayaw gumait ng overpass o underpass sa kaMaynilaan!
Ay OO!!! Minsan naka-tuwalya pa ang mga yan! Nakikiligo kasi sa kabilang bahay hahaha!
Nakakainis yung mga sasakyang pag may disgrasya o banggaan eh major bagal para lang umusisa!
Korak! Lalo na pag motorcycle ang involved. Lahat ng dumadaang motorsiklo humihinto… parang may code sila na “umusisa sa kapwang mortosiklong nabangga!” Award!
what i hate most are the counter-flowing vehicles, lalo na yung mga motorcyle…naiisip ko nga minsan since wala na sila sa lugar pwede ko na sila sabitan! hehe!
Actually, common factor ng pet peeves natin ang counterflow. 🙂
Hahaha! Hahawiin na parang sinampay. 😀
Totoo naman di ba? parang hindi ka tao paghawiin basta makaakyat lang haha!
This comment has been removed by the author.
I could relate to that “escalator pet peeve” both young and old does that. Lalo yung mga bata na hindi binabantayan ng mga parents or guardians. Pag nakaka-encounter ako ng ganyan pinandidilatan ko na lang good enough, nakukuha sila sa tingin. Hindi naman kasi talaga nakakatuwa, either ikaw or sila ang madidisgrasya sa escalator nang dahil sa kanilang pagpa-power trip.
True that! hindi naman malayo ang biyahe noh?! sumakay nalang ulit ng escalator pataas 🙂
hahah GUILTY ako sa ABANGERS minsan:)
Haha, talaga? Don’t tell me, nakikiupo ka na rin habang naghihintay bwahahaha!
Ako din guilty dito.
Pero ang style ko naman eh kakausapin ko ng maayos na after nila kung pwede kmi dun… pero may “take your time” naman sa huli. tpos papaalam ako at dun hihintay sa mdyo malayo pero tanaw nila. Panakaw dina ng sulyap ko kung patapos na sila… gutom na ko eh. Pero smile kapag nahuli nila ako nakatingin sabay tingin sa malayo.
Actually, madadaan naman talaga sa style to. Tama yung style mo. Yung iba kasi nakakainis. Yung sinasamaan ka pa ng tingin kasi ang bagal mo daw kumain! hahaha!
uy ako din guilty dito 😛 pero ginagawa ko naman yan kapag kasama ko ang mga chikiting! ang hirap kaya pakiusapan ang batang gutom! hahahaha 🙂
Bwahaha, ako din naman abangers pag-kasama ko si Baby A. pero may mas cute or pa-cute way naman ng pag-abang. Wag lang yung galit pa talaga! haha!
Chilax mother! Madami talagang taong ganyan!