Last week minarapat namin ikutin ang ilang mataas na pamantasan sa Maynila para sa kampanya ni Bossing. Isinama nya ang kanyang celebrity endorser na itago na lang natin sa pangalang “Juan dela Cruz” or “Juan” for short. Hindi ako nanunuod ng mga telenovelas — like who has time… so hindi ko talaga nasusubaybayan ang mga kinalolokohan ng mga tao these days.
Anyhoo… nun nag-umpisa ang University Tour ni bossing, meron pa din kaming mga inaayos so kailangan pa sya i-brief bago pumasok ng building. Naghihintay si Bossing sa van nya and so dun ko sya pinuntahan. Dahil nagmamadali ako, sumimpli lang ako ng isang katok sa door at hinawakan ang handle. Alam nyo yun sa movies na parang nagso-slow motion pag may big reveal — parang ganun ang naramdaman ko habang nagsa-slide away yun door — lo and behold, si Juan ang nagbukas. Natameme ako. Pinilit kong magsalita at mag-explain kay bossing ng mga bagay-bagay pero parang I didn’t make sense. Naawa si bossing sakin at biglang sinabi, “S, sumakay ka na lang sa harap.” At ako naman, “Yes sir” sabay pasok sa passenger side.
Mas nakapag articulate ako ng kaunti kasi wala sa direct line of sight ko si Juan at sa mukha ni Bossing ako nag concentrate. Pero masyadong involved talaga si Juan, at marami syang ideas so sumisingit sya sa conversation…I HAD TO LOOK AT HIM AGAIN. Puro “Yes sir” na lang nasabi ko.
Hindi ako fan. Pero nun ko lang talaga naintindihan kung bakit pinagkakaguluhan sya ng mga kolehiyala. May mga sumisigaw, nagtatatalon at umiiyak sa tuwa pag nakikita sya… dahil punyeta,…. ANG POGIIIIIIIIIIII TALAGAAAAAAAAAAAA!!!!!!
Hinanap ko ang iyong photo-op with him… mukang natameme ka nga! buti nalang endorser sha ni Bossing mo, may chance pa ulet makasama! wag nang palalampasin — aabangan namin yan sa Celebrity Pin-up!! 😀
Bakit hindi pa kasali sa Celebrity Pin-up? 🙂
Thanks for reminding! 🙂
Bakit hindi pa kasali sa Celebrity Pin-up? 🙂
Isa kang mapalad na nilalang, S!
Yummmy! 🙂
Yummy is correct.
Kaso como claim ni Bossing eh magkahawig sila, does that make him yummy too? *shivers*
OMG!!! Yummy sila!
Ang bango bango kahit si picture lang.. waaah!
Hahaha! Kinilig ako ng slight sa eksena niyo, S. 😉
Ako nanlamig ata… na parang uminit… na parang natameme…
Lahveet! Bet ko din yang si Coco! Mapalad ka S!
At kelan naman namin mami-meet si Coco, S?!?!?
Pag nakita ko si Coco, kakadirit, cartwheel at split ako, promise!!! Sabay sigaw ng “Iboto si Angara for Senator!” Pa-meet mo na kasi kami, S! PUHLEEEEEZ!
D, sa victory party! Bwahahahaha!
P, hahahah!!! Kailangan ka nga pala! Pwede kahit walang megaphone! Peace! Minsan sama tayo pag nag-ikot… 😀
Sa Victory Party mamimeet namin si Coco?!?!?!?!?! GUYS!!!! PLEASE VOTE FOR SONNY ANGARA!!!!!! DALIII!!!!!