Ampanget, I know, pero wala na kong maisip.
First WATPION will feature…are your ready…”MARIO!” (Masigabong palakpakan)
(o diba, pogi?!)
Ang pamilya ni Mario ay di na iba sa’min. Limang tumbling lang ang bahay nila sa bahay namin. Ang nanay ni Mario na si Aling Pising (sumalangit nawa) ay matagal naming labandera, as in di pa ata ako tao. Parang kapamilya na kung baga. Unfortunately, ulilang lubos na si Mario at wala siyang hanap-buhay sa ngayon. Pero masipag ‘yan. Kahit ano’ng mapagkakakitaan, go ‘yan! Kaya kung may small jobs kami around the house, siya ang pinapatawag namin. At dahil nagsusumikap akong gumaling sa golf, siya na ang personal “BALL BOY” ko tuwing umaga.
(Pasintabi sa itsura ko. Bagong gising ako dyan.
Pag nasa golf course naman, uma-outfit ako, promise!)
Oo, hirap sa buhay si Mario. Oo, parang isang bulate na lang ang di napirma sa kanya. Oo, parang heir siya ni Palito. (Parati kasing alaskado ‘yan e) Pero sino’ng nagsabing di siya pwede maging choosy?!
Nagpalinis ng bodega ang Mother Earth last last week. Binigay kay Mario yung ibang laman para mapakinabangan pa.
Mother Earth: Mario, saan mo dinala yung kama?
Diba kahoy na patungan at kutson yun…
Mario: Yung kahoy binenta ko.
Mother Earth: E yung kutson?
Mario: Tinapon ko na.
Mother Earth: Huh? Bakit mo tinapon?! Pwede mo pa higaan yun e!
Mario: LUMA NA KAYA YUN!
Mother Earth: (Nanlaki ang mata) Pasensya naman ha!
Hiyang-hiya naman ako sa’yo! Binigyan kita ng luma.
Di bale, bibilhan kita ng brand new na kama at kutson
para di mo ko nalalait!
BWAHAHAHAHA! Si mudra ang nasoplak for the first time!
Minsan, dumating ang Mario for our usual practice. Pagkita ko sa tsinelas, eto ang itsura.
P: Hala! Ano ba naman ‘yang tsinelas mo?
Gutay-gutay na! Teka, may mga extra
tsinelas ata dyan e. Papahanap ko.
Mario: Hindi na! Maayos pa ‘to.
P: Pero may mga bagong tsinelas dyan.
Baka malaki nga lang sa’yo pero at least mas maayos.
Mario: Hindi na. Ok na ‘to. Meron pa ‘kong magandang tsinelas sa bahay.
P: Pero…
Mario: Hindi na nga…
P: (Medyo napipikon na ‘ko) AYAW MO BA TALAGA?!
Mario: GUSTO!
Yun naman pala e! Umarte pa! Anyway, kaninang umaga, dumating ang Mario, suot ang pinagmamalaki sa’king maganda daw niyang tsinelas…
(Anak ng $%#@! Ikaw na, Mario! Ikaw na ang mananalo sa Rated K para sa pinaka-nanggigitatang tsinelas!)
Eto pa ang maganda…
Father Thunder: Anak ng teteng, nangingislap pa ang relo ng
ball boy mo ah! San mo nakuha ‘yan?
Mario: Basurahan!
Mother Earth: Aba! Ano’ng klaseng relo ‘yan? Patingin!
Mario: GUSI daw.
Mother Earth: Ano?! Gusi?!
P: Baka GUCCI!
Mario: Yun nga!
NAAAAAAAKS! Kabog kami sa Gucci ng lolo mo. “DON MARIO” lang ang peg!
Nakakatuwa na kahit ganyan si Papa Mario, may sense of humor pa rin siya at di pa rin niya nakakalimutang ngumiti. Ganyan ata talaga tayong mga Pilipino. Di baling kumalam ang sikmura, basta lagi natawa.
Hi Miss P,taga bacoor din po ako,at masugid na tagasubaybay,natawa naman ako sa nangigitata,pwede din po naglalamira.
Hazel(Dulongbayan Bacav)
Bwahahaha! Aba, kababayan pala. Mabuhay talaga ang mga Kabitenya!!!
Hi P, taga Imus lang ako. Pwede ding ako ang tawagin ni Mother Earth kung meron kayong mga hand me down goods. :D. Di ako choosy. Pramis. 😀
Aba, taga-iCav ka pala!Parang iPad, iPhone, iCav! 🙂
I love reading your entries. I am also from cavite. Nakaka relate ako. We have words na only us can understand..nang gigitata 🙂
Haha! Nanggigitata…pwede ring nanlilimahid. Naku, madami pang ibang karakter ang isusulat ko dito. Pero kailangan ko muna magpaalam sa kanila. Hehe!:)