Maaga ako umalis ng opisina last Friday. Invited kasi ang TSN sa marketing event ng BLO Blow Dry Bar sa Serendra. (Kukuwentuhan ko kayo all about my “Tuma-TATLER level” experience soon. Thanks, BLO!!!) Anyway, maaga natapos ang blow dry session ko. Ganda ng hairlaloo ng lola mo! Feeling ko nasa commercial ako ng Pantene! And for that, minarapat kong irampa sa kahabaan ng Serendra at Bonifacio Highstreet ang luscious kulut-kulotan locks ko. Kung di lang ako naka-maong nun, aakalain siguro ng mga taong galing akong kasalan.
Paglabas ko sa isang shop, nakita ko si T, highschool classmate at close friend ko. Inalaska muna ako sa curls ko tapos ay hinanap si Papa N.
T: Saan ang date niyo ni Papa N?
P: Ewan ko nga e. Parating pa lang kasi yun kaya nag-iikot muna ako. Saan ba masarap kumain dito?
T: Try mo dun sa IHOP. Why don’t you join the bandwagon. Kahit pa-lista ka lang. Mahaba pila dun e.
Tama! Binalita sa’kin ni Papa N na may IHOP na raw dito sa Pinas. (Di nga ko masyado naka-react kasi…ANO BA YUNG IHOP???? Never heard! For me kasi, kung hindi kasing-matunog tulad ng Jollibee, McDo, KFC at Chowking yan, di yan sikat! After careful research, napagtanto ko na IHOP pala stands for INTERNATIONAL HOUSE OF PANCAKE. In short, pinasoshal na Pancake House. 😛 )
Sa madaling sabi, tinunton ko yang IHOP. MY GAAAAADZZZZ! Andaming tao! Parang tumataya lang sa lotto na ang jackpot ay mahigit-kumulang na P700 Million! E nandun na ko…
P: Sir, magpapa-waitlist ako. For two lang naman under the name “P”. Mga around what time kaya kami makakaupo?
Sir: Ay mam, hindi ko po masasabi. Depende po sa turnover ng customers yan.
P: Mga 30 mins kaya?
Sir: Ay mam, hindi ko po masasabi. Depende nga po sa turnover ng customers yan. As of now, number 50 po kayo sa list.
P: Ano, FIFTEEN?!
Sir:FIFTY po.
P:FIFTY?! 5-0?!?! (sabay pakita sa’kin ng list. Walang katarungan sa mundo!!! Pero humirit pa rin ako.) Dalawa lang naman kami e. Malamang mas mabilis yun diba? Mga 40 mins? (KULIT KO LANG E NOH?!)
Sir: Hindi ko nga po masasabi. Ganito na lang po, mam. As of now na 7pm, ang sineserve po namin ay yung mga nagpalista kaninang 6pm.
#50?!?! MAHIGIT ISANG ORAS??? Para kumain ng pinatag na monay?!!
Pero dahil hinihintay ko pa naman si Papa N at wala rin naman akong magawa, gora na.
Around 8:20, NAKAPASOK NA RIN KAMI!!!Tumbling, cartwheel, split! In fairness, once nakaupo na kami, inasikaso naman kami nang mabuti ng staff.
Medyo na-tempt nga kami ni Papa N na tagalan ang pag-order pati ang pag-kain para masulit yung oras na hinintay namin. Pero the service was so great and efficient that, in no time, andyan na ang food namin!
(Big Steak Omelette, Grilled Chicken in Balsamic Vinegar
and Blueberry Pancakes)
At dahil nasa harap na namin ang lafang, di na kami nagpatumpik-tumpik!
Sarap ha!!! Hindi lang dahil Tom Jones na Tom Jones na kami. Well-cooked talaga ang pagkain. Unfortunately, some of the menu items were unavailable like the Fried Chicken and Roast Beef. April pa raw available pagdating ng stocks nila. Bakeeet?! Wala bang manok at baka dito sa Pilipinas?!
All in all, it was a very pleasant experience. (Naku, IHOP, bigyan niyo ko ng GC ha!) Nakangiti kaming lumabas ng restaurant ni Papa N…tila ba nang-iinggit pa sa mga nakapila sa labas. #50 — Achievement kaya yun noh! Hehe.
(#50 PANIS!!! WOOHOO!)
P.S. Alam niyo bang hanggang 11:30 pm may nakapila pa rin dun? Bilib na ko sa lahi natin. Basta bago at uso, pagtitiyagaan. Parang yung Gonuts Donuts at Krispy Kreme noon. Tapos ngayon, JCo. Naman. Di pa nga ako nakakatikim ng JCo. na yan e. Masarap ba? J
try mo via phone to place an order 2 days before and then pick up… nde k n pipila…
Overrated ang J.co yan ang masasabi ko! *peace sa fans ng J.co dito*
Masarap ang J.co promise! Try mo sya. Tip ko sayo pumunta ka dung ng kabubukas para walang pila. 10am open na sila sa Greenbelt. 🙂
eypolapol.tumblr.com
Malapit lang ako sa Greenbelt! Kaso, baka pag mahaba ipila ko, ma-pressure ako at isang dosenang kahon ang mabili ko para masulit din lang ulit ang hintay ko. Pero kung masarap naman pala, keribels na rin! Thanks!
Yes masarap naman. Pero parang levels ng sarap lang ng Mister Donut supreme flavors. To be brutally honest sa J.Co fans. Haha! Mas gusto ko kasi sa donut yung matamis talaga. Kaya Krisy Kreme pa din ang bet ko. 🙂
Syaks! Kailangan na talagang masubukan yan! Pipila balde na ko. 🙂
Ay naku P! Sinabi mo pa. As per J.Co, I’ve tried it and well, wala rin namang pinagkaiba, lasang doughnut din matamis rin pero hindi naman yung tipong magkaka-diabetes ka sa isang piraso. At kung pila rin lang ang pinag-uusapan, ang sabi nga ng dati kong officemate, yun lang naman ang pilang humamon sa pagkuha ng NBI Clearance at passport sa DFA sa haba. Yung branch ng J.Co malapit sa office ko bukas ng 24/7 o, di ba, parang Mercury Drug lang.
Sa J.Co. nakasisiguro, doughnuts ay laging bago. PWEDE!!!