Paano ba ang Semana Santa sa BaCav??? ‘Yan ang tanong sa’kin ni D. Panindigan ko raw ang pagka-Provinciated ko at magkuwento daw ako ng mga latest Kwaresma happenings sa’min.
Well, noong Lunes Santo, ginanap ang LIVE STATIONS OF THE CROSS. Taun-taon, kinakareer ito ng mga taong-simbahan. With full costumes, lighting, sounds and props, 3 sets of actors and crew ang nagpapalipat-lipat sa designated houses para isabuhay ang mga eksena ng pagsasakripisyo ni “Bro”. Mapalad kami dahil isa sa mga piling tahanang ito ang bahay ng aking namayapang Lola Ninang. Every year, kami ang nagho-“host” ng 6th Station at ito ang ilan sa mga litratong nakuha ko. Pasensya na at sa likod ng stage ako napa-pwesto…
(si Pontio Pilato with his trademark olive branch headdress)
(si Haring Herodes naman ang umeksena)
(ang mga kawal na nagpapasan ng krus kay “Bro”)
(si Maria at ibang taumbayan na nananangis sa kalupitan kay Jesus)
Maisingit ko lang, alam niyo bang last year e na-imbita pa ‘kong gumanap bilang Mama Mary?! Inaaaay! Isang napakalaking karangalan sana pero baka mawalan ng kredibilidad ang parokya namin, tumiwalag sa pananampalataya ang mga Katoliko at mag-resign ulit ang Papa!!! Baka ako pa ang ipapako sa krus!
In fairness naman sa Familia Provinciated, religious ang angkan namin. (Maniwala na lang kayo please.) In fact, bagets pa lang ako…no, nasa sinapupunan palang pala ako, pinila na ‘ko ni Mother Earth as Easter Lady sa Salubong (Tres Marias ang tawag sa’min dito — Tres Maria, Tenyenta and finally, Kapitana). Sooobrang pinag-aagawan ang slots ng Easter Ladies. In fact, as soon as nalaman namin na girls ang magiging anak ng sister-in-law ko (sina E1 at E2), pinila na agad namin sila for 2015 at 2018!!!
Pa-bonggahan ang mga gown, make-up, props at suot ng mga abay! Magastos kasi 3 consecutive years mong paghahandaan. Pero ok lang. All for the greater glory and honor naman ni Mama Mary.
At bilang mahal ko kayo, kahit mariin ang pagtutol ng better judgment ko, ilalabas ko ang very exclusive, very embarrassing photos noong ako ay naging TENYENTA at KAPITANA.
Handa na ba kayo???
Say niyo sa nakakasingkit na higpit ng pusod ko?! My gaaads!
Si Atekupungsingsing (wearing red on the right) ang masugid kong assistant dyan.
Dati na rin siyang nag-Easter Lady, by the way.)
Ang mga bangs…Pak na pak!
Cousins Nicay and Lianne (my left and right),
pati si Yna (the smallest and most pa-“cute” one)
ANG LILIIT NIYO PA DYAN!!! Shet, ang tanda ko na talaga.
Eto pa…
Yun oh!
Parang TPO (Temporary Protection Order) lang ni Kris ang gown ko –
walang makakalapit within 2-meter perimeter area ng kinatatayuan ko.
Yan ang petticoat!
(Finally, with my abays)
O DIBA, CERTIFIED PROVINCIATED!!!
Corrections hehe That’s me the Punong Saserdote (Caipas not Herodes). Si Bb. Provinciated ay isa sa mga inabangan dahil kilala syang sa bilang Woman in a High Society ng Bacoor. Ang ikalawang Abogada na napili para kumatawan as Sargenta, Tenienta and Capitana. Kaya nman ipagdiriwang namin ang SENTENARYO ng EASTER LADIES next year 2018 kung saan ang kanyang pamangkin na si Einica ang nahirang bilang Capitana ng Taon.. Di po sinasadya, nagkataon lamang na 1918 itinatag ni Rev. Fr. Gregorio Florencio ang Easter Ladies kaya ito po ay isang malaking pagdiriwang kaya naman ikaw Bb. Camille ay isa sa pipila sa FLORES DE MAYO sa pagdiriwang ng Selebrasyong ito.. Mag-uuwian ang mga mga Easter Ladies mula sa Amerika, Canada, Australia atb para lamang sa okasyon na ito. Kaya naman mga madlang people abangan po natin ang muling pagrampa ng ating very own Miss Provinciated! Happy Easter
like na like!
I liked the Kapitana picture! Exuding purity! hahahaha
Its not embarrassing! Pangarap ko kaya yan dati nung bata ako! 🙂
– liz C.
love it 🙂
Yes, super provinciated nga! And grabe sa pagkamatimtimang birhen ang peg. 🙂