Naranasan mo na bang pumasok sa isang tindahan, with full intention of buying something, tapos titignan ka ng tindera…mula ulo…hanggang paa…pabalik sa ulo…habang ikaw ay nanliliit dahil damang dama mo na ineestima niya, hindi lang ang iyong buong pagkatao, but more importantly, ang PURCHASING POWER mo!!!?
‘Yan ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang kaso, for some weird reason, parati ako nabibiktima ng mga mapanghusgang salesperson.
Situation # 1: Forever 21
First time ko makapasok sa Forever 21. Tamang tama dahil kailangan ko na rin bumili ng bagong jeans. Pagpasok ko, agad kong tinanong ang unang salesman na nakasalubong ko…
P: Boss, saan yung mga maong niyo?
Salesman: Ah, yung mga maong po naming sale…yung tig-500…dun po sa banda dun.
P: (P*@$#%nang ‘to ah!) Ayoko ng sale!
Gusto ko yung mahal! Ayoko ng mga discount discount na ‘yan!
NAKAKAINIS DIBA?! Mukha ba kong dukha?! Kung tama pagkakaalala ko, maayos naman suot ko nun. Imbey!
Situation # 2: Dillingers
Stressed na stressed kami sa work ng officemates ko kaya napagdesisyunan naming mag-girls’ afternoon out. So punta kami sa Dillingers for late lunch and early drinks.
P: Sir, I’ll have the grilled porkchop at isang classic mojito.
Waiter: Ma’am, mamya pa po ang Buy 1 Take 1 namin ng cocktails.
P: E ano ngayon?!
Waiter: Mamya pa nga po yung Buy 1 Take 1…
P: Edi i-order mo ko nung isa lang!!! Magbabayad ako ng full price!
Situation # 3: S&R
Medyo magastos din malagay sa ganitong klase ng sitwasyon ha! Napapasubo ako e!
Eto na lang…pumunta akong S&R to buy ingredients for a mojito recipe na nabasa ko. Yun kasi ang iaambag ko sa isang party na pupuntahan ko.
P: (Hawak ang recipe) Boss, meron ba kayong WHITE RHUM?
Attendant: Ay naku, ma’am. Wala na po kaming Tanduay.
‘Yun po ang hinahanap niyo e.
P: Basta white rhum lang naman kailangan ko. Meron ka ba?
Attendant: Ubos na nga po yung Tanduay Rhum namin.
‘Yun po kasi ang hinahanap niyo.
P: Wala naman akong sinabing Tanduay. Kahit ano’ng white rhum!
Attendant: Ubos na nga po ang Tanduay namin.
Ang meron po dito, BACARDI. Pero 1,000 po ‘yan.
P: (Anak ng tinokwang lalaki ‘to ah!)
‘Yang mga BACARDI na nakakahon…’Yan ang bibilhin ko!
Umakyat talaga ang dugo sa ulo ko. Gusto ko pa nga sana dagdagan ang litanya ko ng, “Mayaman kaya ako! (Kahit hindi) Gusto mo pati ikaw upahan ko para ikaw magtimpla ng putragis na BACARDI na pinagdadamot mo sa’kin?! Bibilhin ko lahat ‘yan kasi masyado na masikip ang wallet ko! Naiintindihan mo ba ‘yun?! Nagkamali ka ng ininsulto. Maling mali!”
Kaso baka maiyak naman.
So ang ending, isang kahon ng Bacardi with matching cocktail set ng shaker at mortar (pandikdik ng mint) ang nabili ko…kahit isang bote lang naman talaga kailangan ko! Kever na kung mapamahal noh. Mapatunayan ko lang sa mokong na ‘yun na may pera ako!!! May pera ako!!! Bwiset!
Situation # 4: Marrionaud
Sosyal diba?! Sadly, di naman talaga ako ang bibili dito. Sinamahan ko lang yung kaibigan kong si L bumili ng fire engine red lipstick. Sa pag-iikot namin sa store, may nakita na siya sa isang booth. Kaso, walang attendant.
P: (Sa saleslady na medyo malayo ng pwesto) Miss! Miss! Sino po bantay dito?
Saleslady: Ma’am, P1,800 po isa niyan.
TINANONG KO?!!!!
P (pabulong kay L): Bruhang babae ‘to!
Bibili nga ko ng limang piraso niyan para matameme ‘yun!
Kunin mo yung isa ha. Bahala na kung ano gagawin ko dun sa apat.
L (pabulong din): Gaga! Wag mo na patulan noh.
Pag bumili ka ng lima, edi natuwa pa ‘yan!
P: Sa bagay…baka maka-quota pa ‘yan.
Buti na lang inawat mo ko! Halos P10,000 din yun kung nagkataon!
Situation # 5: HERMES
Eto ang malupit! Nagpapahanap kasi ang Father Thunder ng gift kay Mother Earth. Taraaay!
Pagpasok namin sa Hermes, sambakol na agad ang mukha nung tindera. May kinalaman kaya na naka-tsinelas lang kasi ako?
P: Miss, patingin naman please nung bag.
(Sabay turo sa gray bag na nasa pinakataas ng eskaparate)
Kinuha naman ni Miss Sambakol ang bag. Inikot-ikot ko ang bag.
Inangat, binaba, kinulikot…SYET, DI KO MABUKSAN!
P: Miss, pakibuksan naman please. Di kinaya ng IQ ko e. Hehe.
Binuksan naman. Pero dama ko talaga na bwiset na bwiset siya sa’kin. Not to mention, tangang-tanga.
P: Magkano ‘to, Miss?
Miss Sambakol: P350,000 po.
P to self: E bakit sambakol ang mukha?! Hinuhusgahan mo ko dahil akala mo pobre ako?! Wala akong pambili ng ganyang kagandang bag? Na namamahalan ako sa Hermes na ‘yan?! ‘Yun ba ang akala mo?! Pwes, DI KA NAGKAKAMALI!
Ang husay mo naman palang saleslady e. Marunong ka mag-estima ng mga customers. Good judge of character ka. Keep it up ha. Malayo ang mararating mo sa industriyang ito. Di nagkamali ang Hermes sa pagpili sa’yo. More power to you at ibalik mo na ulit ‘tong bag sa itaas. Thank you.
(pictures from google images)
If you enjoyed this post, please like our Facebook page: https://www.facebook.com/thesoshalnetwork
I also had a similar experience in Armani (Greenbelt). I wanted to try on a jacket and asked for a smaller size. Wala raw size! Armani sa Pilipinas? Nauubusan ng sizes? Sarap manampal ng salapi that time. I bought driving shoes in Louis Vuitton na lang kung saan friendly sila.
Hahahaha. I feel you! Nakakainis talaga mga sales assistants na sobrang judgemental. One of my suggestions nga sa store management, if possible, may available na button for customer assistance. Once pressed, that’s the time lang na darating ang SA. 🙂
hahahahaaa kahit comments, worth reading sa site niyo. lol@ apple cut at weener ang elephant in the room. it goes to show people who read your blog are just here for fun and to be entertained. good vibes lang 😀
Kaya mahal na mahal ko ang the soshal network kasi lagi nila ako napapangiti bago ako matulog.
More power to THE SOSHAL NETWORK!
sa mga lahat ng nagpose at nagcoment dito ako lng cguro ang di makarelate..
kasi dipa man ako mayaman sa pinansyal ngayon pero kilos mayaman na ako sa pag iisip,pagkilos at pagsasalita sa pananamit..
kaya pagpasok ko sa shop sa mall una inoofer nila sken un mas mahal na products nila,I fell very rich..sana may natutunan po kayo..
:=)
Sana mabasa ng mga kinauukulan ang blog post na ito!!
Napapamahal (expensive?) na talaga ako sa blog niyo! 🙂
<3
P buti nakapagpigil ka sa hermes. Lol.
Kahit di ako magpigil, wala akong pambili nun noh! Bwahahaha!
hahaha. panalo ang post mo P! True nga yang mga saleslady na mapangmata di mo alam if gusto makabenta or what. Hay kebers na lang.
Haha! Baka ayaw nga magbenta. Ka-lebel yan ng mga tinderang ayaw maghanap ng size kaya sasabihin na lang na kunwari ubos na ang stock. :Z
Nakakatuwa naman basahin ‘to. Eto na ba un post nyo na may pinakamadaming comment? Hahaha! Mukhang can-relate ang lahat, mayaman at nagmamayaman lang. Hahaha! 🙂
Hahaha! Oo nga rrrowena. Madami nang nabiktima ang mapang-matang mga saleslady. Tsk tsk tsk…dapat ata pagpasok natin sa tindahan, namamaypay na tayo ng pera para di na tayo hinuhusgahan!
Nakakatuwa naman basahin ‘to. Eto na ba un post nyo na may pinakamadaming comment? Hahaha! Mukhang can-relate ang lahat, mayaman at nagmamayaman lang. Hahaha! 🙂
Extra nakakainis, kasi mataas ang probability na yung nanghuhusga, di din naman kayang bumili. Tayong mga dukha, hindi dapat nagtatapakan. 😛
Sa department store, habang bumibili ng foundation
Sya: Dito na lang po kayo pumili, mas mura po dito, mahal dyan.
Ako; Sabi ko, kaso hindi yan yung ipinunta ko. Ito yung gusto ko (sabay turo).
Sya: Pero ma’am mahal po yan.
Ako: Pero walang murang kaparehong kapareho nito.
Sya: Sige po, kayo bahala.
Feeling ko naman, hindi nya ako minamata. Baka may kumisyon lang sya dun sa mura na tinuturo nya. Pero, in general, nakakainis lang talaga kapag nangengealam.
Oo nga. Ayokong ayoko rin yung nakabuntot sayo habang umiikot ka sa tindahan. Marunong naman tayo magbasa noh. Atsaka pag may gusto tayo itanong, pwede naman tayo ang lumapit sa kanila. Meron kasing halos hinihingahan na yung batok mo sa pagbabantay e! Haha!
haha. i like the Hermes part! akala ko mag iimpulse buying ka din katulad sa rhum na binili mo. Tipong, ‘ah ganun ba? sige pengeng lima! sa’yo yung isa’ haha
Bwahahaha! Wish ko lang kaya ko mag-impulse buying ng Hermes. Baka uugod-ugod na ko, nagbabayad pa ko ng utang noh! 😉
Nakakarelate din ako dito. Nun Wednesday lang nangyari sa akin ang ganyan sa Suzuki. Babayaran na kasi namin ang binibili naming car tas pagpasok pa lang eh tingnan ako mula ulo hanggang paa na nakataas pa ang kilay, banatan ko nga ng english with an accent at tameme tuloy sila nun nilabas ko ang cash muther! Kakaasar kasi mga taong ganyan, masyado mapanghusga. Papasok kaya tayo dun kung ala tayo money pambili, di ba?
Hahaha! Ikaw na ang kaya bumili ng koche nang CASH!!! Beshfren!!!
Ako naman nagtataka bat hindi inaabutan ng flyer ng mga ahente ng properties. Kasi mukhang magrerent na lang ako ng bahay habangbuhay?! 😀
Pero OA yung sa Forever21 ha. Kering-keri mo naman kaya dun. Kahit nga college student na nakaasa sa magulang nakakabili dun eh. Hindi nga lang SAHM na katulad ako. 😉
Korek ka dyan! Forever 21 lang?! E pag jumejebs nga yung aso namin, forever 21 ang pinangdadampot at pinangbabalot namin ng echas e. SUS! 😛
Nakakainis nga mga ganyan na saleslady, porket nagwowork sila sa mga branded feeling nila mayaman na rin sila. I’m sure maski sila hindi nila afford bumili nga mga binebenta nila. Marami na rin ko naexperience na ganyan, nakakasira ng araw. =)
I know someone na sa sobrang bwisit niya pinatawag niya manager at sinabi yung ginawa nung saleslady at sinabi pa, magkano sweldo nito, babayaran ko at ayaw ko makita yan ngayon araw. sabay bili nung expensive na bag. hehehe!
Tarush naman nung kakilala mo! Lakas magmayaman! 😀
Ay lagi akong nagaganyan lalong lalo na dito sa Body Shop sa SM Baguio.Super relate ako sa post na to.
eypolapol.tumblr.com
Divah?! Body Shop lang e. Kung yung Hermes, ok lang husgahan tayo. Pero Body Shop, may pambili naman siguro tayo dun kahit ispongha man lang! 🙂
You have to make like talk like in like Eenglesh kaseh, debah?
-ArweeFSC
English…sige, magpapalait na lang ako. 😛
Sa mga ganitong pagkakataon masarap mag-transform bilang Senyora Santibañez sabay sasabihin mo na:
“Facundo, ilabas ang maletang puno ng salapi at ihambalos sa hampas lupa!”
Bet ko ‘yang peg na yan. If only bagay sakin ang Apple Cut. Bwahahaha!
Naalala ko yung scene sa Pretty Woman 🙂 Yung sinumbatan kaagad si Julia Roberts “they are expensive” Na frustrate ang Lola pero nung nakabili na, ayun mega ganti at bumalik sa shop, kahit super bigat ng mga paperbag hahaha
I had similar experiences pero kadalasam, yung mga matatalim na glances lang pinapamukha sa yo na poorita ka.. Pero sa totoo lang, sa P’nas ko lang madalas ma-experience yung ganyang discrimination. Sa ibang Asian countries naman, hindi naman.
Pretty Woman MISMO!!! At ikaw na Diane…ikaw na ang tunay na mayaman na pa-travel travel around Asia! 😉
Hahaha. Panalo ka talaga P! Sa lagay na yan pati ikaw na alam kong totoong mayaman *wink wink* ay nabibiktima ng mga mapanghusgang tindera. :D. Nangyayari rin ito sa akin pero at least alam ko namang purita talaga ako. :D. LOL
“TOTOONG MAYAMAN”?!?! Sa’ng banda?! Bakit di ko dama?!?! Haha!
ahahaha 😀 i have lots of moments like this sa malls even sa grocery. i love your blog. 😉
Tsk tsk tsk…mukhang madaming biktima ang mga saleslady ah. Thanks, Nerisa!
nakalimutan mo ang linyang “di porke’t ganito itsura ko, mayaman ako” :p
Ay oo nga pala! Bwahahahaha!
Happened to me. Pagpasok ko sa isang botigue na nalimutan ko na yung name, sabi agad sakin nung saleslady: “Mam, dito po yung mga sale..” sabay turo sa mga rack ng clothes na sale. Pero sige nalang, low budget din naman ako nung time na yun, nagpaubaya na ko haha!
Kahit na noh! I’m sure di ka naman mukhang pobre nun para manghusga sila. Sinumbong mo dapat kay fiance!
i love it! hahahaha! naalala ko tuloy ang mga ganyang moment ko sa mall… hahahaha!
Imbey diba?! Haha!