Before I posted my entry about Anika’s Birthday, I texted Fleur that I will post something which will test our friendship. Matatag naman ang pagkakaibigan namin and went beyond skin color kaya friends pa rin kami 🙂
Oy ha, baka iniisip niyo ang samasama ko kay Fleur! Ganun talaga kami ni Fleur, Pineda at Arnaiz maghiritan. Si Bing lang ang mabait sa amin!
D: Anika, come here.
Anika: (lapit kay Ninang D)
D: Go ask your mommy… “Mommy, am I adopted?”
May humampas sa akin at nahulog ako sa table na inuupuan ko.
——————————————————————
Arnaiz: Mare, galing akong prominent family pero di kami mayaman.
D to Fleur:Dalawa lang ba ang classification, prominent and not prominent family? So ano tayo?
Arnaiz: Gaga! Di talaga kami mayaman. Like dati gusto ko ng driver, di ako binigyan ng driver. Pero binigyan ako ng koche.
Boom!
Arnaiz: Ngayon nga lang ulit namin nabalik milyones namin eh.
Kaboom!
Pineda: Shet, Arnaiz, ngayon lang?! Di ka nga mayaman. Naghirap ka nga ng matindi!
——————————————————————
——————————————————————
Pineda: D, tahimik ka lang dati bakit ganyan ka na ngayon?
D: (ngarat face)
——————————————————————
D: Pineda, pagandahin mo ko sa pictures ha!
Pineda: Di kaya ng camera ko yun eh.
Busiiiiiit!
——————————————————————
——————————————————————
Fleur: Mare, kuha kayo cupcakes!
Arnaiz: Ayoko, nakakataba yun!
Fleur: Hay nako Arnaiz, wala ka ng itataba pa!
Fleur 1, Arnaiz 0.
——————————————————————
Fleur: Uy sali kayo sa mommy games. Arnaiz halika!
Arnaiz: (blank look)
Fleur: Ay, kala ko nanay ka na! (After sabihing wala ka ng itataba pa)
Fleur 2, Arnaiz 0.
——————————————————————
——————————————————————
D: Congrats Arnaiz, nagkabalikan na pala kayo! May asim ka pa!! Pano nangyari
Arnaiz: Eh di binalikan ko siya.
D: (nabingi) hinalikan mo!?
Arnaiz: BINALIKAN!!! Ano ka ba?! Paano ko hahalikan eh nasa States pa!! Alam mo, di ko pa rin naiisip pano ka nagtop ng bar!
Andaming sinabi! Nabingi lang po!
——————————————————————
D: Grabe noh, ang likot ni Baby A.
Arnaiz: Anak mo yan eh, nagtaka ka pa!
Pak!
——————————————————————
——————————————————————
Arnaiz: Pineda, type ko yung suot mo nung event nila D.
Pineda: Talaga?
Arnaiz: Oo. Kagalang-galang ka as opposed to usual.
Pineda: hoy, ginagalang talaga ako! Kayo lang di gumagalang sa akin.
Emo moment
——————————————————————
Fleur: Mare, may nasabi ako sa blog, may nagalit na readers 🙁 di ko naman talaga mini-mean yun.
D: Talaga? May nasabi din naman ako at mini-mean ko pero wala namang violent reaction.
Arnaiz: Bakit sikat ka ba?!
Ouch! Sorry, di ako galing prominent family.
——————————————————————
——————————————————————
After listing these down, na-realize ko tama si Fleur. Ganito kami mag-usap dahil kay Arnaiz!!!!
Pero because of the hiritan, our get-togethers are never boring. So far, di pa naman kami naghihiwalay ng magkakaaway. 🙂
Love you girls!
just a week lagi food blog lang binabasa ko, wag mag re act ha pero naumay ako. nabasa ko mommy fleur im a big fan na di pako nag comment sa blogsite nya =) then from there i am reading your blog. super fan na rin. natawa ako to the hilt!thanxs sa daming tawa.
rhiza
Aww thanks, Rhiza. 🙂
– D
Hi TNS, kabog to the max ang mga hirit. Prominent, i lurved the word!!!
wow! sarap naman maging friend nyo.. hmmm.. it’s a kind of friendship that is solid and true!!! at may humor pa!!
hahaha! Thanks Joan 🙂
Bloghopping too because of Mommy Fleur. This read is too funny. The previous post, too! Hi, girls!
Hello 🙂 thanks so much for dropping by 🙂
My first time to drop by here… And naaliw ako. Hehehe! Iba na pala ang leveling, prominent at ndi prominent. Hahaha! Gusto ko yang term.
Thanks for dropping by grechie! Hope you like our other posts too! 🙂
hi friends of mommyfleur! favorite ko yung “Bakit sikat ka ba?” lol!
Hi Sette! Di ba?!! kakainis! Sorry na, di kami sikat! pero magiging sikat din kami Arnaiz, watch out! hahaha! jowk.
Thanks, Sette for dropping by. Please read our other posts and hope you like it. 🙂
Hello, it’s my first time to comment. Dati kay Mommy Fleur lang araw-araw kong binabasa, yung ibang blogs every other day lang. Hihihi.. Dahil naligayahan ako ng bongga sa blog entry niyo na’to, simula ngayon, everyday na din ako sa TNS. 😀 I’m a fan already! 😀
Awww, thanks so much Krisna! 🙂
Hahah. Ang cute nyo 🙂
Cute lang pag-binabasa na. pag-actual ubusan ng lahi sa paghirit haha!
tawa to the max.
Bwahahahahahahahahaha!
May bago ng classification: Arnaiz or not Arnaiz?
Nyeta ka talaga vivian! Ang taba ng utak mo! Tawa ako ng tawa while reading this!!! Arnaiz sayo galing yung prominent family noh! Dati akala ko mayaman at mahirap lang, may prominent pa pala! Level up ka talaga! Tara lumabas tyo bukas para icelebrate etong blig entry na ito!!!
pero ang cute lang ng pictures natin… nakikita sino tumataba at pumapayat through the years. bwahaha!!
excuse me! di ako ang nagsabi na prominent family kami. sa ibang bibig yun nanggaling noh!!!
Hindi siya accurate?!?!? wait?!? bakit? may lelevel up pa sa “prominent”?
tandang-tanda ko ang usapan na yan Arnaiz! hahaha!
shet! naloka ako sa post mo! di nga lang siya accurate lalo na yang prominent family issue na yan. i agree with pineda… tama si jr… wala talaga tayong 4 na preno but its the best kind of friendship. mahirap maging boring.
HAHAHAHA tawa ako ng tawa.. sabi nga ni jr nung birthday ni anika, “Ayos ah, hirit san ago, walang preno!” hahahahahhaha.. i love the series of photos, ibat ibang panahon ng katabaan.