So kamusta naman? Pangalawang sulat mo na ‘to. Yung unang sulat mo, galing sa kapwa mo lalake. Naisip ko lang, para balanse, kung may pakialamero, dapat may isa ring pakialamera. Isa pa, na-i-Tweet n’yo ngang dalawa ang status ng relasyon n’yo at nai-broadcast sa TV (HABANG NAGLULUTO NG TINOLA WHY NOT. Nandamay kayo ng mga walang kamalay-malay na malunggay.), so i-blog naman natin ngayon.
Hindi man tayo magkakilala, dama ko ang iyong pagdurusa. Pero alam mo, ‘wag ka nang malungkot. Buti ka nga nagka-girlfriend eh. Ako nga malapit na mag-trenta wala pang boypren! At least ikaw, sa mga inuman, pwede ka magsimula ng kwento na: “You know, dude pare, when I was with my ex, you know, that former Bb. Pilipinas and Ms. Universe First Runner Up…” Eh ako sa inuman, taga-order lang ako ng sisig.
Sunod, isipin mo na lang, ang love life mo ay kahelera ng mga kumakandidato sa pagka-senador. Tignan mo lahat ng news ngayon, puro love life na lang nina Chiz, Loren, Risa, Koko. Kasama ka na sa listahan na ‘yon! Ngayon, ganito na: Chiz, Loren, Risa, Koko, Ex ni Janine. (Ano nga ba pangalan mo?)
Agree ako sa unang sulat sa’yo. Mej nga may pagka-aning-aning itong sa Janine at kilig na kilig sa TV tungkol sa singer ng The Script HABANG KATABI KA. Maygad. Sabi niya, “Actually, honestly ngayon we are not in good terms. Siguro may nangyari lang na hindi ko ini-expect na mangyayari… Honestly po kasi break talaga kami ngayon.” Gusto ko lang talaga sabihin kay Janine, “Honestly, mag-kape ka ‘te.”
Sabi pa ni Janine, “Hindi naman sa type. We are talking lang. Pero ano naman ‘yan spur of the moment lang.” Ay talaga? Walang Malaysia? Buti na lang spur of the moment, at hindi sperm of the moment.
Tinuloy pa niya, “Akala ko kasi si Danny…” (Waw Danny. Close talaga. O baka kasi mahirap sabihin at i-spell ang Mr. O’Donoghue kaya Danny na lang.)
“…na baka that night lang o nagandahan lang and all.” (Waw baka “nagandahan” lang. I-double shot na ang kapeng ‘yan.)
“Pero feeling ko siya din ay gusto niyang makilala ako.” (Nako, Ex ni Janine, sentence construction pa lang ni Janine sa Tagalog kaduda-duda na. Pero sa’kin lang ‘yon.)
“Actually hindi naman kami ni Danny. Nagte-text siya everyday simula noong nag-concert siya dito.”
Eh hindi naman pala sila. Textmates lang. Malay mo pinapasahan lang ng load.
ARAW-ARAW. Araw-araw ang lintek na spur of the moment na ‘yan. Na-spurs of the moments ka tuloy.
Pero isipin mo na rin siguro ang feeling na may ka-text araw-araw na singer ng isang Irish pop rock band. Ang kilala ko lang kasi na Irish pop rock band ay The Corrs. Naabutan mo ba ang kasikatan nila o baby ka pa noon? Kahit hindi ko naman type yung kuya nila, siguro kung ka-text ko siya araw-araw, magkaka-starstruck factor rin at baka nag-break din kami ng boypren ko. Pero wala nga pala akong boypren.
Hay nako, hayaan mo. May darating din. Sabi nila ‘yan sa’kin eh. Pero wala namang dumarating. Pero baka sa’yo meron. Kung type mo talaga ang mga beauty queen, magsimula ka na nang maaga. Mag-abang ka na sa mga Little Miss Philippines. Baka ‘pag nasa tamang edad na sila, isa ka nang successful older man. Bet na bet ‘yon ng ibang mga kababaihan.
At pinakahuli, masabi ko lang, HONESTLY (Honestly! Janine na Janine!), nung una kong nabasa ang news tungkol sa inyo, napaisip ako, “Sino ba si Janine?! Siya ba si Janine San Miguel? As in, “No, I don’t feel any pressure…right now.” Mali pala ako. Janina San Miguel pala ‘yon.
O teka!!! Baka naman single si Janina San Miguel!!! Kung magkatuluyan kayo, jackpot ka dahil her family is the most important persons in her life. Yun na.
Hay basta, ikaw mismo ang nagsabi sa Tweet mo, “Kapit lang.” But of course, you’re the man who can’t be moved.
Sources:
Janine, Heto ang Caladryl. Magaling yan sa lahat ng klase ng kati.
Janine is INSENSITIVE. Nag tweet pa ng “Stop jumping into conclusion. Nothing’s going on!!!”.
Parang hindi alam kung ano ginawa niya sa national TV. Sino nga ba nag coconclude? Ikaw yata Janine ang nag coconclude na nagandahan sa iyo si “Danny”? Ikaw yata Janine ang nag coconclude na pwede kayo maging dalawa ni “Danny” kasi break na sila last year pa ng model niyang GF?
Nothing’s going on (with three exclamation points)… wow galit na galit si Janine kasi wala naman daw nangyayari? Para bang naka focus si Janine sa gusto niyang maging BF si “Danny”… Sinasabi niya sa tweet niya (sorry I am jumping into conclusion) na hindi pa naman sila ni Danny kaya wag magconclude.
JANINE, kung hindi mo pa rin na rerealize o talagang manhid ka… maraming tao ang nagreact sa ginawa mo sa national TV. Pinagsabi mo sa national TV na break na kayo ni Jaypee, kinwento ng detalye ang kinahuhumalingang lalaki na habang katabi ang Ex at saka kinikilig pa. Wala kang konsiderasyon. Sa ginawa niyang yan sa TV lumabas na easy to get si Janine.
So Janine bago ka mag tweet ng kung ano ano, isipin mo muna kung bakit maraming nag react sa ginawa mo. Sinayang mo ang maraming humahanga sa iyo. Isa ka lang palang kaladkarin.
The thing is, kesyo may namamagitan kay Janine at Danny or wala, hindi pa rin tama para sa isang girl na i-broadcast nya on national TV (and proud at that pa) na BREAK NA PO KAMI. Kahit saang anggulo naman tingnan, hindi pa rin tama yung namamahiya ka ng tao. Kahit ba more than one year lang naging sila nung jowa na (na Jaypee Santos ang pangalan) may pinagsamahan pa rin naman.
Advice ko lang kay Janine, teh, runner up ka lang, hindi mo nakuha ang korona. Wag masyadong magmanada ha. At kay Jaypee, keri lang yan. Di lang naman sya ang girl sa planetang ito eh!
super agree ako sa inyo P!nadaan si ateng sa muk up lumevel na kay Danny?!(oo close din kami at mahirap i spell ang last name nya :p )
ang di ko ma gets, if walang ayos si Janine, level lang nmn sila ng ex-bf nya..
so baka if maalagaan ng bench or ng isang stylist si ex-bf baka pede na rin e level ke singer..
Agree ako sa’yo. Nadaan lang sa make up yun at nabihisan e. pero tingin ko without those, levels nga lang. Haha!
Hahaha!!! Hi Cha!!
Now my officemate thinks I’m a complete weirdo dahil kanina pa ko nagpipigil humahalakhak while reading this. Thanks.
wagi!
bet ko ug part na “But of course, you’re the man who can’t be moved.”
Kapit lang!!! 🙂
There is a saying in chinese: a bamboo door is to bamboo door as wooden door is to wooden door.
Pretty girls like Janine are meant for pretty boys. I don’t think she did wrong, but her mistake is she wasn’t subtle in letting her ex go and she seemed so “kilig” pa on TV and humiliated him. If I were her, I’d do the “girlfriend with integrity” image on TV and sort out my personal business discreetly. I bet a lot of girls are also rooting for her and someone else. ANYONE better looking than her ex 😛 hehehe.
Si guestblogger A ay mapili…. Ayaw niya ng guwapo. 🙂
Eh whats wrong ba with everyone? Mukang mas ok naman si “Danny” compared to the ex (dont know his name)… I bet deep inside that’s what a lot of people think. Di lang nila masabi 😛
Di naman itsura yung issue, baka maling NEWS yung nabasa mo. It’s about how Janine humiliated her former BF on public TV. I dont know her ex nor danny, but noone deserves that kind of treatment, even to a shallow person like you.
My advise to you READ before you post. I guess you already know how to do that or maybe not.
Friends wag tayo mag away away ha 🙂 lalo na kung dahil lamang kay janine at kay ex…. Hindi sila ganon kasikat hahahaha!!!
Mumi-media mileage talaga sina Janine at Ex! Kaswal na kaswal ang public debate! At kung live traffic feed n’yo ang basehan, pati ang mga taga-Quebec at Riyadh concerned sa hiwalayan.